Kasaluluyan kong tinititigan yung white rose na binigay sa akin nung lalake kanina. "Ano namang gagawin ko dito?" tanong ko sa sarili ko. "Ehem. Ms.Galvez may gusto ka bang ibahagi sa amin? Kanina ka pa bulong ng bulong diyan eh." saway sa akin ni Mr.Dela Cruz. "Ah sorry po sir." "Okay let's continue our lesson." Buong oras ay lutang ang utak ko at hindi ko na magawang mag concentrate sa paikinig habang nagpapaliwanag ang aming guro. Eh ikaw kaya yung bigyan ng white rose? Siyempre first time kong mabigyan ng rosas na totoo galing sa isang lalake na hindi ko naman kilala. ------ Mabilis lang na natapos yung isang araw ng klase namin at ngayon nga ay naglalakad ako palabas ng gate nang may mahagip ang mata ko. .... Si Carlo Crush na crush ko siya simula first year high school pa lang pero… hindi niya ako magawang mapansin eh. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Next day.... Kakapasok ko lang ngayon sa school at una kong tinungo yung locker ko para kumuha ng extrang sapatos. Pagkabukas ko dito ay bumungad sa akin ang isang red gumamela flower na may kasama pang note. 'Hi. By the way, binigyan kita ng flower kasi gusto ko lang hahaha. Naalala ko nung una kitang binigyan ng bulaklak. Tinago mo kaya yon? Sana lang... Sige dito na lang.' From: Secret Admirer Napakunot yung noo ko matapos kong mabasa ang sulat. "Sino namang magbibigay sa akin ng bulaklak na may kasama pang note?" Pinilit kong hulaan kung sino ang nagbigay sa akin ng bulaklak at unang pumasok sa isip ko ay yung lalakeng nagbigay sa akin ng white roses. Paniguradong siya yon. Agad kong pinuntahan yung lalakeng nagbigay sa akin ng white roses at nakita ko siya sa may tapat ng laboratory room. "Hoy! Ikaw yung nagbigay sa akin ng gumamaela noh! Pati may sulat pang kasama." sigaw ko sa kanya. Tinignan niya naman yung gumamela at kinuha. "Pfft.. Ako? Magbibigay sa'yo nito?" saad niya sabay turo sa gumamela. "Oo! Eh binigyan mo nga ako ng white roses diba? Edi ibig sabihin, ikaw yung nagbigay niyan." "Si David Cruz na mayaman? Gwapo? Eh magbibigay ng pipitsuging bulaklak na gumamela? Wow! As in. Oo, ako yung nag bigay sa'yo nung white roses pero yang bulaklak na gumamela? Hindi bagay sa akin yung nagbibigay ng ganyan." pagmamayabang niya. "Ang yabang mo! I deny mo pa." "Pfft sorry pero, don't expect na gusto kita ha. Kasi para malinaw, binigay ko lang yung white rose sa'yo dahil galing yon sa isang babaeng baliw na baliw sa akin. Eh ano namang gagawin ko sa rose niya? Wala diba? Kaya naisipan kong ibigay na lang sayo. Para naman may halaga kahit papano" saad niya sabay alis. "Ang yabang mo!" pahabol na sigaw ko. ---- Natapos na ang klase at wala namang ibang nangyari eh. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ngayon habang inaalala yung nangyari kanina. Habang naglalakad ako non ay bigla na naman akong napahinto dahil nakita ko na naman si Carlo at … for the first time eh nginitian niya ako. Hindi mawala yug saya sa mukha ko ngayon. Totoo ba talaga yon? Nginitian niya ba talaga ako? Haay kung ano ano na yung pinag-iiisip ko eh. Makatulog na nga lang. ----- As day pass by... wala namang bagong nagyari eh. Parang paulit ulit na lang. Papasok ako, pupunta ako sa locker ko at makakakita na naman ako ng isang bulaklak na gumamela, pupuntahan ko yung David na magbigay sa akin ng white roses then pipilitin ko siyang paaminin na siya yung nagbibigay non, tatanggi siya na hindi siya yung naglalagay ng bulaklak sa locker ko, mag-uuwian na kami nang lutang pa rin yung utak ko tungkol dun sa bulaklak, Makikita ko si Carlo at ngingitian niya ako, pag-uwi ko sa bagay eh magtatatalon ako sa kama dahil sa kilig and then the end?? babalik na sa una. Gets? Paikot-ikot lang yung takbo ng buhay ko. At ngayon nga ay pupunta na naman ako sa locker room para bisitahin ang locker kong laging may gumamela flower. Pag kabukas ko ng locker ko? Tss.. ano pa bang bago? Kinuha ko yung gumamela flower at binasa yung note. 'Hello again and again for the ninth time.. Uhm ito na pala yung huling note ko para sayo at siyempre, huling bulaklak na din. Napapansin ko kasi base sa reaksyon mo na pinipilit mong isipin kung sino yung nagbibigay sa'yo nito eh kaya naman kung gusto mo akong makilala? Meet me at the park after dismissal. Hihintayin kita don. At sa sinabi ko ngang pang nine na letter ko na ito para sayo, hintayin mo yung pang tenth na flower.' Pagkatapos kong mabasa ang sulat ay tila nagliwanag yung paligid ko. Sa wakas. Makikilala ko na siya. Uwian na namin ngayon at agad agad akong nagtungo sa park na sinabi niya. Inilinga ko ang aking paningin ngunit wala akong makitang tao dito ngayon. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nang mag gagabi na talaga ay naisipan ko ng umalis. Tumayo na ako at akma ng aalis nang may tumawag sa'kin "Audrey!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nanlaki ang mata ko ng malaman kung sino siya.. "Carlo???" "Yes. Ako nga to Audrey. Ngayon na alam mo nang ako yung nagpapadala ng sulat at bulaklak sa'yo. Can i court you?" saad niya saka ibinigay sa akin ang kahuli hulihang bulaklak na kanyang ibibigay. "The tenth flower. Sinasagot na kita Carlo" saad ko.