Bagong school year at malayo ang room ko mula sa gate. Nasa dulo kami ng campus at ang mas masaklap pa malayo din kami sa canteen. Yung fifteen minutes na breaktime tinatakbo pa namin yan. Pero hindi ang recess time ang pinupunto ko kundi ang layo ng room ko mula sa gate. Dahil ang layo na yun ang naging dahilan kung bakit nagkalapit kami.
First day of school, late akong pumasok kaya pagdating ko nanduon na ang mga bago kong classmate. Backspace. Hindi bagong classmate. Dahil ang nakita ko ay ang mga classmate ko lang rin last year. 'Wag niyong isiping konti lang kaming mga mag-aaral dahil madami kami. Ganun lang talaga, 'pag matatalino matitibay.
Doon ko s'ya nakita. Muli.
"Uy, andito ka uli? 'Di ba nagtransfer ka na." tanong ko.
Tumingin s'ya sa akin, nagtatagpo ang kilay at para bang nagtatanong kung sino ako. Ginaya ko ang expression n'ya. Maya-maya ay ngumiti na s'ya, ngumiti rin ako. Classmate ko s'ya nung first year tapos lumipat ng school nung second year kami. Noon naka-cap pa siya at palaging naka-teeshirt imbes na uniform. Tipong boyish. Pero ngayon dalaga na s'ya. Akala ko talaga tatahakin n'ya ang pagiging 'astig'. Mas gumanda pa s'ya lalo.
Isang umaga late akong pumasok at naabutan ako nung fifteen minute mark. Kakalembangin na ng guard yung bell n'ya, ibig sabihin lahat ng papasok pang estudyante ay kailangan nang magbigay ng one-eight sheet of paper kung saan nakalagay ang pangalan. Saka na sila bibigyan ng disciplinary action.
Hindi lang ako isang beses na-late pero ni minsan wala pa akong natatanggap na D.A. Yun ay dahil ibang pangalan ang isinusulat ko kung nale-late ako. At 'wag n'yo akong sisisihin, mahina lang talaga yung security namin dun.
Pero nung umagang yun, nakita ko s'ya, kasama ko, sa hanay ng late comers.
"Uy, ba't andito ka?" tanong ko.
"Hindi kami kinuha nung sundo namin."
"Kasi nga sundo lang s'ya 'di ba? 'Di s'ya hatid."
Napangiti s'ya pero agad din n'yang binawi. "Haha," sarkastiko n'yang sagot.
"Hahaha," ginaya ko s'ya. "Tatlo yun."