“Rejection” ay isang bagay na hinding hindi maiiwasan ng tao. Kahit umiyak ka man man ng dugo, o magmakaawa, kahit anong gawin mo pag ayaw, ayaw talaga.
Well in my case?
Pakiramdam ko ay malapit ng lumabas ang mga eyeballs ko sa kakaiyak, malapit na ata akong lumuha ng dugo at nangingitim na din siguro ang tuhod ko kakaluhod sa taong nakahalukipkip lang sa harap ko.
Bakas ang pagkamuhi sa kanyang mukha, kahit na makailang beses akong humingi ng pagkakataon ay siguradong wala ng pagasa, wala na talaga.
------
“Leo please! Kausapin mo ako! L-Leo!” halos magkandatalisod na ako sa paghabol sa kanya.
“Para saan pa Anji? Kitang kita ko! Kitang kita ko na naghahalikan kayo ng lalaking yun! Anong gusto mong isipin ko? Na bakla siya at gusto lang niyang tikman kung ano ang flavor ng lipstick mo?! Tangna! Hindi ako bulag Anji!” tuloy tuloy ang pagagos ng luha ko sa mga sinasabi niya, sinubukan ko siyang hawakan pero pilit niyang nilalayo ang sarili sa akin.
“L-leo! Bakla nga kasi si Jairus! H-hindi kami naghahalikan, mali ang pagkakaintindi m-mo” hindi ko na mapigilan ang paghikbi, mali ang nakita mo Leo, maniwala ka..
Tumawa siya na para bang nababaliw na ako “Bullshit! Anji! Wag mo na akong paikutin pa please! Alam ko! Alam kong may pagtingin ka padin kay Jairus hanggang ngayon, n-na hanggang ngayon panakip-butas padin ako, na hanggang ngayon siya padin…”
“H-hindi L-leo! I-ikaw na ang m-mahal k—“
“Wag mo na akong lokohin Anji, t-tama na itong kalokohan na ito, pagod na akong umasa, a-ayaw ko ng umasa..” iyon ang huling salitang sinabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran at iniwang umiiyak.
------
Ilang beses ko pang sinubukang magpaliwanag pero ayaw niya pading makinig. Siya si Leo, ang lalaking pinakamamahal ko, iyon nga lang too late na. Nasaktan ko siya ng husto, pinaasa, tapos dinurog. Kaya itong pakikitungo niya sa akin? kabayaran lang ito sa pananakit ko sa kanya.
Napatigil ako sa pagi-isip ng pumasok si Jairus sa coffee shop, nakasuot ito ng kulay abong botton down shirt at maong pants. Kung titignan mo siyang mabuti ay pagkakamalan mo siyang lalaki, yun nga lang hindi.