43: Stranger

150 5 0
                                    


Shot #1: Stranger

 

“Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung nakita mo lang naman sya at hindi man lang nakikilala ng lubusan?”

Ouch.

Bakit ba napakasakit ng pangungusap na yon para sakin?

Mahal ko sya.

Hindi nya ako kilala.

Gustong-gusto ko sya.

Estranghero ako sa kanya.

Gusto ko syang mapasakin.

Napadaan lang naman ako sa kanya.

Ang sakit naman. Hanggang tingin lang ako sa kanya. Wala na. Hanggang dun lang. Wala naman akong lakas ng loob na iamin ang nararamdaman ko dahil ni hindi nga kami magkakilala ee. Nakakatakot lang na ma-reject. Siguro ayos na rin yung ganito. Yung hanggang tingin lang ang pagibig ko sa kanya.

“Oh?! Iniiyak-iyak mo dyan?!” halos maluwa na ang mga mata ko noong nakita ko si Ly na nakataas pa ang kilay sakin, “Jos ko po, Jewel. Ilang taon mo na bang mahal ang lalaking yon? Tch. Umamin ka na kasi! Tapos iiyak-iyak ka dyan nung malaman mo na may nililigawan na pala sya? Hay.”

“Ang sakit eh,” napabuntong hininga nalang ako, “Bakit ba ako nagkagusto kay Sean?! Dahil sa gwapo sya at napakagaling sa lahat ng bagay?! Sabihin mo nga sakin Ly kung bakit?! Please?!”

“Desperada ka na ah,” mahinang sabi nya. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at niyugyog ng napakalakas, “Ilang beses na ba kitang binasa ng tubig at niyugyog para magising ka sa katorpehan mong babae ka?! Kababae mong tao tapos torpe ka?! Alam mo ba na sa panahong ito ay babae na ang nanliligaw sa lalaki?! Use your mind!”

“Nakakahiya kaya yun..” mahinang sabi ko. I mean, babae yung nanliligaw sa lalaki? Ayoko nun. Nakakahiya kaya. Tapos ikaw pa yung kailangang magpakilig sa lalaki? Ugh, “Kaya mo yan nasasabi kasi ikaw yung nanligaw sa boyfriend mo..”

“Haaaa? May sinasabi kaaa?” she glared at me. Hay. Ly + Lev. Sila na may lablayp! Sila naa! Sila na nga eh! T.T

“Wala po,” mahinang sabi ko at sinubsob nalang ang ulo ko sa table. Nasa isang café kasi kami. This is my favorite café kasi sakto lang ang presyo pati masarap ang kape at cupcake dito. Masarap kaya ipagsama yun. Pramis.

“Good,” napatingin sya sa relo nya, “Ah! Alis na ako. Magkikita kasi kami ngayon ni Lev. May ibibigay daw sya sakin. Ayieee.”

“Ikaw pa nag-yiee sa sinabi mo?”

“Shut up.” >///<

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon