In three months, ngayon lang ata ako hindi ginawan ng kalokohan ni Mojo. Nakakatawa nga dahil sa totoo lang, mas nalulungkot akong hindi siya makita kesa kabahan dahil baka tahimik siyang nagpaplano sa mga gagawin niya. Ibang klase ang babaeng ‘yan. Matagal ko rin siyang hinangaan dahil lagi naming naririnig ang tugtog niya sa school namin. Siya nga ang dahilan kung bakit ako lumipat.
Last week, pinutol niya lahat ng strings ng gitara ko habang nasa registration ako. Lahat talaga gagawin niya para hindi ako makapag-audition. Transferee lang ako, pero sobra siyang nai-intimidate sa talent ko dahil balita ko, ang may pinakamagaling sa performance ngayon dito, sila ang magha-handle ng Glee Club mismo.
“Morena Joan Tolentino, number five.”
Pangalawang tawag na sa pangalan niya, wala pa rin siya. Ano kaya ang nangyari do’n? Sabi ng mga nasa registration, wala pa daw nagbalak na umagaw ng Glee Club kay Mojo. Ano’ng magagawa ko? Gusto ko rin ‘to. Kaso... ayokong makuha ang Glee Club nang wala man lang challenge.
“Jorris Jones de Guzman, number six.”
Potato. Ako na pala.
Wala sa sariling naglakad ako sa stage at tahimik na nilabas ang gitara. Isang chord pa lang, naputulan na agad ng dalawa sa bagong palit na strings ang gitara ko. Natulala ako. Bakit ganito?
Why do I suddenly feel like this is not exactly where I want to be now?
“I’m sorry, Mr. de Guzman. You can’t play on broken strings.”
Tumango ako at tahimik na naglakad backstage. Pagsilip ko sa makapal na pulang kurtina...
“Mojo?” pagtataka ko.
Halos malaglag ang mga mata ko nang salubungin niya ako. “Hi, Jojo.”
Pangalan pa lang, parang bagay na. Ano pa kaya kapag mismong kami na?
Ewan ko ba. Kontra-bida kasi siya masyado sa pangarap kong makapasok sa Glee Club kaya hindi ko rin masabi sa kaniyang taga-hanga niya ako. Baka lumaki kasi ang ulo.