Naghiwalay kami kasi immature ako.
Iniwan niya ako dahil wala daw akong pakialam sa kanya.
Ipinagpalit niya ako sa iba kasi hindi naman daw ako kagandahan, kyot lang daw talaga ako tignan.
***
GIANNA’S POV
Two years had passed simula nang iwan ako ni Clyde- my first love. Unfair lang sa part ko dahil naka-move on na siya samantalang ako ay hindi pa. Minahal niya ba talaga ako? Dahil kung oo, sana hindi pa rin siya naka-move on. Ako nga itong hindi nagseryoso sa relasyon namin, ako pa itong hindi makausad-usad ngayon. Hinahanap-hanap ko pa rin siya. Everything about him. Kaya naman sa kakahanap ko ay nahilo na yata ang kapalaran at ito na mismo ang naghanap ng paraan para matali ulit ang naputol na sinulid na kumukonekta sa amin ni Clyde. Kaya heto nga. Nagkita kami ulit. In the most unexpected way.
Nagkabanggan ang sasakyan namin. Fine. Ako yung nakabangga. Bakit ba kasi walang valet parking dito eh. Hindi kasi ako bihasa sa pagpa-park. Ang lakas naman ng loob kung mag-drive ng sasakyan.
Nakita kong bumaba siya ng sasakyan niya at papunta na sa direksiyon ko. Lalo yata siyang gumwapo. God. I really missed him.
“Hey, ano bang problema. You don’t know how to park your car?” inis niyang tanong sa akin after ko siyang pagbuksan ng bintana.
Kaagad kong tinanggal ang suot kong shades saka tiningnan siya while smiling at him sweetly.
“Long time, no see Clyde.”
I swear nakita ko ang sudden change of his facial expression. Hindi ko mawari kung nagulat ba siya, nagalit o natakot sa pagkakita sa akin.
“Kamus..”
I wasn’t able to finish my question nang bigla na lang siyang tumalikod at bumalik sa sasakyan niya. Dali-dali naman akong bumaba at hinabol siya. Swerte ko kasi naabutan ko pa siya at hinarang ang katawan ko sa pintuan ng sasakyan niya.
“Ang immature mo,” sabi ko.
“What did you say?”
“Oh? Wala. I mean. Nabangga kita. So I should pay the damage.”
“No need. Kaya kong ipaayos ‘to without your help,” malamig niyang sabi saka sumenyas siya na tumabi ako. But I stood still.
“Let’s talk.”
“Bout what?”
“Tungkol sa atin. Alam kong immature ako, selfish at saka medyo insensitive..”
I saw he squinted his eyes. Sign of hindi siya naniniwala sa huling salitang sinabi ko. I sighed.
“Okay. I’m very insensitive. And not that beautiful. Pero that doesn’t mean na I don’t care about you. I just don’t know how to show it,” paliwanag ko.
“Wala nang kwenta ang paliwanag mo Yan. Nakalimutan ko na ang damdamin ko para sayo. So let’s leave it that way,” mahina niyang sabi subalit napakalaking impact nun sa’kin.
“No. I deserve a second chance. And this time, I’ll do better for us. Mature na ako. And ready na ako para sa atin.”
Na-amaze ako sa self ko. Nasabi ko ba talaga yun lahat sa kanya?
***
CLYDE’S POV
Kakabalik ko lang galing States. Tumakas ako dahil ayokong ipakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. I don’t know why. Pero hindi pa talaga ako naka-move on nang iwan ko si Gianna. Yeah, I was the one who left her dahil pakiramdam ko I was just a nobody to her. Lahat na yata ng effort na nagagawa ng isang lalaki ay nagawa ko na para sa kanya pero all zero pa rin ako. Napaka-immature niya, selfish at very insensitive. So I ended up in a decision to leave her. Not because I don’t love her anymore but for her to realize sa mga pagkakamali at pagkukulang niya. Kaya naman I lied about me finding another girl. Pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ng iyon I thought hahabulin niya ako at hihingi ng sorry. Pero wala eh. Nabalitaan ko na lang na marami na siyang dini-date at nakatatlong boyfriend pa siya bago ko napagdesisyunang pumunta ng States to have a new life. Gianna never loved me the way I loved her.
Natigil ang pag-iisip ko nang may bumangga sa sasakyan ko na naka-park na. Dali-dali akong bumaba at inis na hinarap ang nakabangga sa sasakyan ko. And I was shocked nang mapagsino ito. Ang babaeng kanina ko pa iniisip. Binati niya ako subalit di ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya bigla na lang akong umalis. Pero may pagka-palos yata ang babaeng ito at naunahan pa akong makarating sa sasakyan ko. She never did change. The immature Gianna Ibarra. And she said something I never expected na sasabihin niya sa harapan ko. The confession na matagal ko nang gustong marinig galing sa kanya.
“Look. I couldn’t believe it either na kaya kong sabihin sayo lahat ‘to. Pero desperada na ako Clyde. Dalawang taon akong naging miserable nang iwan mo ako. Yes, I dated and nagka-boyfriend. Pero ginawa ko lang yun to test if I have the same feelings for them na nararamdaman ko sayo. And there’s only one conclusion I got,” sabi niya.
Kailangan ko munang pigilan ang sarili ko na magsaya dahil sa sinabi niya. So I maintained a poker cold face.
“Mahal na mahal pala talaga kita.”
Tumalikod ako sa kanya to hide my face. Para akong gago na pinipigilan ang pagngiti sa mga sinabi ni Gianna.
“Hoy, huwag mo naman akong talikuran,” sigaw niya.
I started to walk away. Kung mahal niya nga talaga ako, hahabulin niya ako. She’ll do what she wasn’t able to do before. So I keep on walking.
“Bwisit naman Clyde oh. Babae ako. Ako pa ba talaga ang hahabol sayo?” sigaw niya ulit.
I like her because she’s immature.
Naramdaman ko na lang na may yumakap na sa likod ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
“Heto na nga oh. Hinabol na kita. Masaya ka na?” napapaos niyang tanong.
And I love her because she cares about me.
Hinarap ko siya and I smiled at her.
And I love her even more because she has this unique beauty.
“Mahal mo pa..”
Hindi ko na siya pinatapos at siniil siya ng halik.
“I love you. Parati naman eh.”