“LIEUTENANT COLONEL LANIE ALMONTE, SA HARAP!” sigaw sa pangalan ko ng commander-in-chief ng Citizen Army Training o C.A.T.
Agad naman akong sumaludo pagkarating sa kinatatayuan nila. “Maipaglilingkod ko pinuno?” tanong ko.
“Almonte, alam mo ba bakit ko kayo pinatawag ni Saragoza?”
“Hindi po pinuno.” Sagot ko.
“Saragoza, now we’re even. Make it fast.” Saad nito kay sa Battalion Commander Saragoza tiyaka niya siya pinalapit sa tapat ko. Ano kayang meron? Laking gulat ko na lamang nang biglang lumuhod sa harapan ko ang battalion commander nami’t naglabas ng isang tangkay ng yellow bell.
“Lieutenant Colonel Lanie Almonte, pwede ba kitang maging nobya?” bigla niyang tanong niya na siyang naging tampulan ng hiyawan ng mga ibang trainee.
Nang mapansin ata ni Peter na napayuko ako’t natahimik ay mabilis itong tumayo’t lumiko sa direksyon ng mga trainee, “LAHAT NG NANGANTYAW, PUSH UP 2 WEEKS! NOW!” utos niya.
“May sagot ka na ba Almonte?”tanong niya pagharap sa’kin na sinundan niya ng isang command, “HANDA SA PAGMARCHA ….NA!” bigla nalang nagmarcha ang isang pulutong ng mga junior trainees na may dala-dalang malaking banner na bumubuo sa, ‘will you be my girlfriend Lanie? Please say Yes!”
Nagtanong pa kung wala naman na akong ibang choice?
“Lanie inuulit ko, pwede ba kitang maging girlfriend?”
Napangiti nalang ako’t napasagot ng “Opo commander.”
“Permission to kiss you?” nakangiti niyang tanong.
“Permission granted.”nahihiya ko namang isinagot.
Mabilis pa sa alas-singko nang hagkan niya ako’t halikan sa pisngi sa harapan ng mga trainees. Mabuti’t CAT lang ‘yon na di masyado seryoso di gaya ng ROTC sa college. Hindi ko inaasahan itong desisyon ko, pero sa kaloob-looban ko, alam kong mahal ko siya kaya ako umoo.