“Break na tayo.”
------
It was not love at first sight. Hindi ko nga akalain na---sya na pala yun.
Ang babaeng mamahalin ko ng totoo.
Sya yung tipo ng babae na mag-aalangan kang ipakilala sa parents mo. The way she was dressed, her kind of friends. It’s not that I don’t what them but they make me shrug once in a while--- especially her short shorts. Mapapailing ka na lang.
Alam nya ba kung gaano kahirap para sa mga lalaki na katulad ko ang makakita ng magandang babaeng nakashort sa halos araw-araw ng buhay ko? Wag nyo sanang isiping manyak ako.
Hindi ko nga alam kung bakit lagi ko na lang syang napagdidiskitahan. I even told myself that I will not end-up with a girl like her.
Hanggang sa dumating yung araw na hindi ko inaakalang mangyayari. Kakainin ko lang ang sinabi ko.
Papasok na ako noon sa school. Pinara ko yung pedicab na unang dumaan. Hindi pa ‘ko nakakasakay, napalunok na agad ako sa nasilip ko. Sya at ang legs nya.
Labag man sa loob ko, sumakay na din ako dahil sa takot na mahuli sa klase at, noong araw na yun, pinagsisihan ko ang makatabi sya sa pedicab.
Pinagpawisan ako ng malagkit. Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa muka ko. Konti na lang ay tumalon ako palabas ng pedicab para lang maiwasang mapadikit sa legs nya. #PasensyaNaLalakiLang
“Miss! Please lang! ‘Wag ka nang magshort kahit kalian!” yan yung gusto kong isigaw sa kanya kaso hindi ko kaya dahil ayaw ko namang ma-offend sya.
Pero, bilang isang lalaking may mataas na respeto sa mga kababaihan, hindi ako sumuko. Humanap ako ng paraan para sabihin sa kanya ang hinanaing ko at yun ay sa pamamagitan ng papel.
Isinulat ko doon lahat ng gusto kong sabihin. Inabangan ko sya sa may basketball court ng subdivision namin kung saan ko sya palaging nakikita. Hindi naman ako nabigo dahil dumating sya. Nakajersey-short sya at may hawak pang bola.
Habang papalapit sya ay pinagpapawisan ang mga kamay ko. Pakiramdam ko, basa na ng pawis ko yung papel na hawak ko pero buo ang loob ko. Pasimple kong inihulog yung papel sa harap nya.
Hindi ko na ibubulgar kung ano yung sinulat ko dahil nabigla ako sa reaction nya at baka lahat kayo ay gawin ang ginawa nya sa akin.
Naglalakad na ako papaalis nang may tumama sa likod ulo ko---bola.
Hindi pa ko nakakalingon ng tuluyan ay may malutong na sampal na sumalubong sa muka ko.
“Manyak!” yan yung first word na sinabi nya sakin. Ang sweet di ba?
Hinapit nya yung kwelyo ng damit ko.
And there it happened… The day she took my breath away.
Dun ko unang natitigan ng masinsinan ang muka nya. It’s magic ---my world stopped.
Simula nung araw na ‘yon, pakiramdam ko, nabaliw ako.
Laging sya ang laman ng isip ko sa bawat minuto, bawat segundo. Lagi ko syang gustong makita. At sa bawat araw na dumadaan, pakiramdam ko, lalo akong lumalala.
Sinubukan kong i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay pero para syang virus na kinain na ang buong sistema ko.
For how many times, I told myself she’s not my type but my heart will say she’s an exemption.
I, Vincent Go, fell in love.
Buti na lang pinanganak ako na malakas ang loob. Ang sabi ng tatay ko, “kung may gusto ka, kailangan maging sa’yo”.
Gumawa ako ng paraan para magkakilala kami at walang paligoy-ligoy na niligawan ko sya.
Kaso naturn-off ako dahil pagka-abot ko pa lang ng bulaklak at chocolates…
“Tayo na, from now on girlfriend mo na ako.”
Can you imagine?
Akala ko nang gugood-time lang sya pero nung tanungin ko sya…
“Bakit? Ayaw mo ba?” Taas kilay na sabi nya at napalunok na lang ako.
“Hindi naman sa ayaw pero gusto ko sanang ligawan ka.”
Bigla syang ngumiti at hinalikan ako sa pisngi sabay sabing “ Sino bang may sabing hindi mo ko liligawan?”
Napa-isip ako, pero kahit anong halughog ko sa utak ko, hindi ko pa din maisip ang ibig nyang sabihin haggang sa magsalita ulit sya.
“Liligawan mo ko habang buhay.”
Pagka-uwi ko napa-isip tuloy ako--- tama ba tong pinasok ko?
Then, I reminded myself that, definitely, she’s different.
She, Mirabelle Gamboa is now my girlfriend.
Habang buhay…
Kinabahan ako nung maalala ko ang sinabi nya.
Habang buhay.
At doon ko na-isip na, baka, hindi naman nya ko binibiro … na seryoso sya sa ‘habang buhay’ nya.
Ang bilis ng panahon. Days became weeks. Weeks became months. Months became years--eight long years.
Parang kanina lang, sinagot nya ko. Mamaya, break na kami.
Sa walong taon na ‘yon, mas lalo ko syang nakilala.
She’s a strong woman. Very witty. Very passionate. She’s someone you can’t deceive and you will never want to. She works hard to fulfill her dreams.
Then, I began questioning myself, “what will be my role in her life?” She’s not a damsel-in-distress that needs a prince to save her. She can take a good care of herself. It’s hard to admit but it seems like; she doesn’t need me at all.
Ngayon, habang pinapanood ko syang maglakad mag-isa. Hindi ko mapigilang ma-iyak. Hindi ko mapigilang humanga sa ngiti nya. At habang papalapit sya, hindi ko mapigil ang kaba sa dibdib ko.
She smiles at me and wiped my tears away.
“Kalalaki mong tao, umiiyak ka.”
Kinuha ko yung kamay nya at inilagay sa braso ko.
“Break na tayo.” Nakangiting sabi nya.
“Break na tayo.” Pagsang-ayon ko.
She, Mirabelle Gamboa is now my ex-girlfriend.
From this day ‘til forever ends, ‘til the day my heart will stop beating, I promise to love her more and more.
From now on, she’s not my girlfriend anymore, she’s my wife.
Now, I know the answer on what will be my role in her life. It is, indeed, quite simple. I’m here to love her, to cherish her, to make her smile.
I’m here to be her husband.
I, Vincent Go, is married to Mirabelle Gamboa.