Akala niya ay okay na siya. But the moment she stepped inside their old school, the confident and smart Lovella Aragon was gone. Instead, she felt like a lone and frightened child once again, like the way she used before.
Agad siyang humakbang pabalik sanhi upang matapilok siya. Mabuti na lamang at may matipunong bisig na maagap na nakasalo sa kaniya.
"Miss, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito.
But before she could answer, agad siyang napatulala at tumahip ng malakas ang kanyang dibdib nang makita kung sino ang kaniyang tagapagligtas. Sa dami naman ng pwede niyang makabangga, bakit ito pa?
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Okay na 'ko. Thank you.” Pagkatapos ay kumawala siya mula sa pagkakahawak nito at dagling tumalikod papasok sa venue ng kanilang class reunion.
Habang daan ay lumilipad ang utak niya sa nakaraan.
______________
Hindi pa din makapaniwala si Lovella na matutupad ang pangarap niyang maging escort sa gaganaping Senior Prom amg lalakeng lihim niyang itinatangi sa loob ng apat na taon. Since first year highschool, ang bubot niyang pag-ibig ay umusbong na para sa gwapo at basketball MVP na si Matthew Andersons. Kaya kahit mamatay-matay siya sa kahihiyan ay lakas-loob niya itong inayang maging kapareha sa Prom.
She is having those thoughts nang hindi sinasadyang mapadaan siya sa isang classroom at madinig ang dalawang taong nag-uusap.
"Matthew! How could you! Mas gugustuhin mo pang makapareha ang baboy na iyon kaysa sa akin?”pahiyaw na wika ng babae.
“Just shut up Cindy!”angil dito ng kausap.
Nagulat na lamang si Lovella nang biglang halikan ni Cindy si Matthew. Dahil dito ay napasinghap siya ng malakas, sanhi para mabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito.
Agad namang nakabawi ang una, “Look who’s here! Mabuti na lang at andito ka para marinig mo ang katotohanan at magising ka sa panaginip mo.”anito sa malakas na tinig na naging sanhi para makuha na din ang atensyon ng ibang dumaraan na estudyante.
“Hindi ka gusto ni Matthew. Napilitan lang siyang tanggapin na maging kapareha mo dahil naawa siya sa loser na katulad mo. Tingin mo ba, may matinong lalakeng magkakagusto sa ‘yo?”anito na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
Maging ang mga nakakapanood ay nagsitawanan din at sumali pa sa panlalait sa kanya.
Hindi na niya kinaya pa ang narinig kaya nagtatakbo na siyang palabas ng kanilang eskwelahan. Ngunit dahil sa tindi ng pagdadalamhati ay hindi niya napansin ang paparating na truck.
__________________
Napabuntunghininga siya ng malalim sa naalala. Sa loob ng isang taon ay na-comatose siya at kinailangan pang dalhin sa ibang bansa upang magpagamot.
Pagkagising niya mula sa pagkaka-coma ay pinilit niyang ibangon ang sarili. Kasabay ng pag-aaral sa ibang-bansa ay ang pagpapabuti sa kaniyang pisikal na anyo.
At ngayon ay nagbalik nga siya sa bansa upang ipamukha sa lahat na ang inaalipusta nila noon ay hindi lamang isa ng matagumpay na negosyante ngunit nagtataglay pa ng kagandahang kaiinggitan ng lahat.
But damn! Saglit siyang nawala sa sarili nang makitang muli si Matthew kanina. She didn't expect that he still had that same effect on her.
Stop! She scolded herself. Hindi siya dapat makadama ng ganito sa binata. Hindi na siya ang babaeng pinaasa lamang nito noon.
She is having those thoughts when the emcee announces the name of the most successful person in their batch. It's no other than the most in demand international photographer, Matthew Andersons.
Agad itong umakyat sa stage. Bagamat nakangiti ay kitang-kita ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.
"Sampung taon na ang nakararaan, I met this cute and chubby girl. Masyado siyang mahiyain at bibihirang ngumiti." He paused for a while and then continued.
"Isang beses nakita ko siyang natutulog sa may library. Bahagya pa siyang nakanganga habang mahinang naghihilik. She looked like an angel that I could not help but captured her cute face in my camera. From then on, palagi ko na lang siyang kinukuhanan ng mga stolen shots. Habang dumadami ang kuha ko sa kanya, lalong lumalalim ang inakala ko noong una na simpleng paghanga lamang."
And as if in cue, a giant collage was unfold behind his back. It shows a chubby girl eating her ice cream, or looking absent mindedly at the sky. The pictures are endless. But one thing is for sure, the photographer loved his subject that he had been able to capture her every emotions.
"When my secretary told me that a letter had arrived inviting me to this reunion, I immediately went back to the Philippines, leaving all my obligations in New York behind. I don't mind losing everything. All I wanted to do was to come home. Hoping against hope that this time, I could have the opportunity that had been denied to me 10 years ago." Sadness was written all over his handsome face.
"Pero hindi siya dumating ngayon. I guess, ito na ang karma ko dahil sa hindi ko pagtatanggol sa kanya noon. Habambuhay ko na sigurong mamahalin ang isang babaeng hindi kaylanman magiging akin." His voice broke down.
Parang piniga ang puso niya sa narinig. Ngunit isang bahagi nito ang nagbubunyi. Mahal din pala siya ni Matthew. Katulad ng kung anong nararamdaman pa din niya hanggang ngayon para dito.
Bago ito tuluyang makababa ng stage ay malakas niya itong tinawag.
“Matthew!” ang lahat ay napatingin sa kaniya pero wala siyang pakialam. “Ako ‘to si Miss Piggy”
Hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Matthew. “Lovella, ikaw na ba ‘yan?”
Nasisiyahan naman siyang tumango. “Ang sabi mo ikaw ang magiging partner ko sa Prom. Pwede bang tuparin mo na ‘yun ngayon?”
Nagmamadali itong bumaba ng stage at sabik na hinawakan ang kanyang mukha. Pagkaraan ay niyakap siya ng mahigpit. “Ayokong maging partner ka sa Prom. We’re too old for that.”
Takang-taka naman siyang bumitaw dito.
Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Matthew sa kanya. “Will you be my partner for life instead?”
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang namilog ang mga mata.. Pagkaraan ay ginawaran niya ng isang halik ang binata. Marahil ay alam na nito ang sagot sa tanong nito kanina.