BASTED na naman si Rey sa ikalabing siyam na babaeng niligawan niya. Matamlay siyang umuwi sa bahay nila. Sino ba naman kasi ang hindi tatamlay kung ganito ba naman ang sapitin niya? Twenty five na siya pero ni minsan ay hindi pa nagkakaroon ng girlfriend. Mabait naman siya, may trabaho at masipag, pero mukhang sa lahat ng babaeng binalak niyang mapasagot ay hindi nila iyon magustuhan. "Nandito na ang Kuya Rey n'yo!" sabi agad ni Aling Selia, ang nanay niya nang pagbuksan siya nito ng pinto at agad ding nagsilapitan ang dalawa niyang kapatid na babae na kapwa nasa highschool na. Pati na rin si Mang Teban na ama niya. "Oh ano Rey? Kayo na ni Elsie?" masiglang tanong ng ama niya na mukhang hindi pa napapansin ang tamlay ng anak niyang binata. "Nganun nga rin po... Masted nga rin..." sagot ni Rey na ikinalungkot ng pamilya niya. "Ayos lang iyan anak. Halika, kumain na lang tayo. Nagluto ako ng paborito mong ulam... tinolang manok!" Pilit pinangiti ni Aling Selia ang anak niya. Gano'n din ang mga kapatid niya sa kanya. BAGO matulog ay naisipan munang kausapin ni Aling Selia ang anak. Alam niyang malungkot na naman si Rey. Ayaw niyang bumaba ang tingin nito sa sarili lalo na't may kapansanan ito. Isang bingot si Rey, at sa tulong ng pamilya niya ay nagawang bigyan nila siya ng tiwala sa sarili. Dahil doon, kaya nakapagtapos siya ng highschool at nagtatrabaho na bilang isang regular na delivery helper. Subalit tulad ng karamihan, natututo rin siyang makaramdam ng espesyal sa isang babae. "Ngay, ngay ngagkakangusto nga ngaya sa angin? Ngapag po ma mingot, hindi nga pwedeng ngangustuhan?" malungkot na tanong ni Rey sa ina niya. Tinapik ng nanay niya ang kanyang balikat. "Alam mo Rey, bawat tao ay may nakatakdang magkakagusto sa kanya... magmamahal. Hindi importante sa kanya kung bingot ka, dahil para sa taong iyon... normal ka," paliwanag ni Aling Selia. Napangiti naman si Rey. "Ngaytin ngayms mo nga ngay ngasabi sa angin iyan..." sabi pa niya. "At kung maalala mo, hinulaan ko na ang makakatuluyan mo ay ang ika-twenty mong liligawan..." dagdag pa ni Aling Selia na napangiti nang magbiro ang anak. "Ngana nga ngay... Mero ngay, ngiguro'y mocus na lang nguna ako nga work ngo..." Pero nang mga sandaling iyon, para kay Rey, mahirap talagang makahanap ng babaeng magkakagusto sa kanya. Magmula noong highschool siya, ni minsan ay wala pang babae ang nagka-crush man lang sa kanya. Sinubukan niyang manligaw at ang nangyari, heto't nakalabing siyam na beses na siyang na-basted.
KINABUKASAN, maagang nagising si Rey. Nakagawian na niya kasi ang mag-jogging sa umaga. Pagkalabas niya ng bahay at isang babae ang bumungad sa kanya. "Hoy bingot! Balita ko, basted ka na naman." Si Rea, ang kapitbahay niyang magmula elementary ay inaasar na siya. Lagi niya itong nakakasagutan pero nang matapos ng highschool ay hindi na niya ito pinapatulan. "Nakakatawa ka talaga bingot. Biruin mo, naiisipan mo pang manligaw." Tinawanan pa siya ni Rea at napa-iling na lang siya. Hindi na lang niya ito pinansin at nag-umpisa nang tumakbo sa tabi ng kalsada. "Ngakit nga ba ngunod nang ngunod?" pagalit na tanong ni Rey sa dalaga. "Malamang, nagja-jogging din ako. Talaga ikaw bingot, hindi ka na nasanay. Morning routine ko 'to..." nakangiti namang sagot ni Rea. "Pwede ba angong mangtanong?" "Nagtatanong ka na bingot." Napatawa pa si Rea sa sagot niya habang magkasabay silang tumatakbo. Hindi naman pinatulan ni Rey ang pilosopong sagot ng dalaga. "Ngindi nga ba nangangawang asarin ango?" "Hindi!" Mabilis na sagot ni Rea dahilan para mapabuntong-hininga si Rey. "Pwede bang ngwag ngayon... Nglease..." "Bakit? Nalulungkot ka?" "Palangay ngo? Ngagiging ngasaya ango?" Patuloy lang sila sa pagtakbo nang mabagal. "Maglabas ka ng sama ng loob sa akin..." "Nglagi ngong nginangawa ito. Pero tingangawanan ngo lang ango..." "Hindi ngayon, promise..." Bahagyang nagulat si Rey sa narinig niya. Sa tinagal-tagal na siyang inaasar nito ay ngayon lang niya ito narinig mula rito. "Nyok lang!" biro ni Rey at napahinto sa pagtakbo si Rea. "Bangit?" "Seryoso ako Rey... Sira-ulo ka talaga..." Muling nagulat si Rey nang tawagin siya ng dalaga sa pangalan niya. "Nanganganginip ba ango? Tingawag ngo angong Ngrey?" Pero nabigla siya nang suntukin siya nang bahagya sa dibdib ng dalaga. Ngayon lang iyon ginagawa sa kanya nito, naalala pa nga niya na nandidiri raw ito sa kanya. "Ngige..." Napagdesisyunan ni Rey na magkwento sa dalaga. Ito ang unang beses na seryoso siyang pinakinggan nito kaya hindi talaga siya naniwala. "Alam mo Rey! Kung manliligaw ka. Iyong nasa malapit na lang at itatak mo sa kokote mo, na kahit bingot ka... may babaeng mai-inlove at mai-inlove sa 'yo!" seryoso sinabi ni Rea nang matapos magkwento ni Rey. "Ngalam ngo, ngapapaisip ngalanga ango ngung si Ngrea ka nga..." pabiro naman ni Rey. "Sira! Takbo na uli tayo..." Pasimple namang napangiti ang dalaga. Bigla tuloy niyang naalala ang usapan nila noon ni Aling Selia... "Iha, napapansin kong lagi mong inaasar ang binata ko?" sabi ng nanay ni Rey sa kanya. "N-naku... pasensya na po..." Namula siya bigla at napansin iyon ni Aling Selia kaya napangiti ito. "Alam ko na kung bakit... Sabi na nga ba't may mahuhulog din sa binata ko..." "N-naku, 'wag po ninyong sasabihin sa kanya..." hiling ni Rea. "Oo naman. Alam mo, sabi ko kay Rey, kapag nabasted pa siya ng nineteen na beses... hindi na sa ika-twenty..." Naalala rin ni Rea ang itinext sa kanya ng nanay ni Rey. Nabasted uli ito at gaya ng ipinangako niya sa sarili, magiging mabait na siya sa binata pagkatapos noon. Sandali pa nga siyang napasulyap dito at napangiti. "Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto..." sabi niya sa sarili. "Rey, samahan mo ako mamaya pagkagaling mo sa work mo... May bibilhin akong damit..." "Sure nga?" "Oo! Hintayin kita huh! Lagot ka sa akin kapag hindi mo ako sinamahan!" dagdag pa ni Rea. Si Rey naman, hindi pa rin makapaniwala. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila napasaya siya nang umagang iyon.