Special Chapter: Ulan

2.1K 59 7
                                        

Ulan

"Uuwi ka na?" Inabot sa akin ni Angelo ang bag ko, katatapos lang ng klase namin.

"Huh? Hindi ba mag rereview tayo sa library?" Tanong ko, pinapaalala sa kanya ang napag-usapan noong nakaraang linggo.

Nagsalubong ang kanyang kilay at napasapo sa noo pagkalipas ng ilang segundo.

I knew it! Nakalimutan niya!

Kaya pala hindi niya binabanggit buong araw.

"Maglalaro kami ng tennis ng ibang mga kaklase natin... but... I'll cancel—"

Papahirapan ko sana siya at kokonsensyahin nang makita ko ang pagka dismaya sa ekspresyon niya at mukhang guilty na guilty naman siya.

This guy...

Mapapailing ka nalang talaga.

"Nathaniel, 'wag na. It's fine." Ngisi ko. "I am an adult. I can manage my own."

Isinabit ko ang backpack ko sa aking magkabilang balikat.

"Do your thing. Pupunta muna ako sa library, mag-aaral."

His brows furrowed even more.

"You sure?" Pinanliitan niya ako ng mata.

"Yeah. Besides, para mag iba naman ang view ko. Sawang-sawa na ako sa pag mumukha mo." Tudyo ko sa kanya at natawa ako nang nag busangot siya.

"Tss..." iling niya. "Mamaya ka sa akin." Banta niya.

"Bukas nalang. I won't stay long. Hindi mo na ako maaabutan." Pigil ko sa kanya sa gitna ng biruan namin dahil alam ko na kung matatagalan ako mag aral at matapos siya agad mag laro, mag hihintay talaga siya.

"No. I'll accompany you."

I rolled my eyes at him. "At ano? Amoy pawis kang papasok sa library? Kawawa naman ang mga tumatambay doon para maamoy ang mga libro."

"Excuse me?!" He looked so offended.

"Kahit ang pawis ko... mabango." Aniya habang palapit sa akin.

"Wait! Anong gagawin mo!" I panicked!

He reached for me to make me smell him!

Nanlaki ang mga mata ko at maagap siyang tinulak. Buong pwersa kong nilagay ang dalawang braso ko sa dibdib niya at binigay ang buong lakas ko para maitulak siya.

He stumbled backwards and I ran away, quickly, taking advantage of him getting caught off guard!

"Bleh! Kadiri! Ang baho mo! Bye-bye na nga! Ingat! See you tomorrow, Nat-Nat!" Sigaw ko habang kumakaway palayo sa kanya.

Mas nag kunot ang noo niya, showing him that he's getting grumpier, pero ang labi naman niya ay hindi maikubli ang nag lalarong ngisi roon.

He shook his head.

"Mag-ingat ka pauwi!" Habol niya.

Still half running, I nodded at my bestfriend and finally turned my back from him.

Nagpatuloy na ako sa pag lakad papunta sa library. Friday kaya wala ng masyadong estudyante sa library. Most of the students will go to a coffee shop nearby, hang out or go straight home to rest.

Sino ba ang pipiliin mag aral ng Biyernes? At dito pa sa library?

Ako.

Bakit? Kasi ako ang leader sa isang group project namin at nag pasa na ng kani-kanilang parte ang mga ka-grupo ko. I just have to consolidate everything and I want to finish it today, para makapag focus ako sa mga blogs ko sa weekend.

MONTGOMERY 7 : Free FallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon