I know, everyone knows... that I end my stories back to our lovely female povs... but I think... this story deserves to end with Clyde's thoughts...
And I will give it to him. Thank you for reaching this chapter! Let's all wrap ourselves with Clyde's love and words.
Pangatlong pag iisa
"Kabado?" Tanong ni daddy habang nasa gilid ko.
Inabot ko ang panyong inalok ni Kuya Carl sa akin at maingat na pinunasan ang pawis na namumuo na sa noo ko.
"No... it's just... I am feeling... very..." napabuntong hininga ako at tinanaw ang white carpet na nasa harapan ko, taking over our house's whole garden.
"... emotional..." I almost choke on my own words.
Inabot ako ni Kuya Carl at inakbayan. Nakuha pa niyang tapik-tapikin ang balikat ko. Napailing ako dahil sa hiya. Nakapagitna ako sa pinaka malalakas at matitigas na lalaking kilala ko sa buong buhay ko. I looked up to them and wanted to be just like them. But here I am... emotional, jelly and weakened.
Yes, in looks, I am at par with them. Our heights are not far from each other. Our built and physique too. Pero sa puso? Napakahina ko ata.
I feel like they were always standing tall while I am always on my bended knees.
"Pangtlong kasal niyo na 'to, you got your woman, son..." ani daddy, tila pinapaalala ito sa akin para humupa ang sobra-sobrang nararamdaman ko.
But nope, it didn't help, kung sa ano man... mas lalo lang akong naging emosyonal.
My heart cannot hide its gratefulness for this blessing.
Marrying her for the third time is such a grace...
My heart throbbed crazily, masayang masaya at malugod na nagpapasalamat.
"Dad..." bahagya kong tawa para pagaanin ang puso ko.
"I will always be like this, kaya mag handa ka na. Accept it now. Because next year, I will marry her again... and we will have this talk again..." babala ko sa kanya.
"What?!" Gulantang niya.
I sheepishly smiled and shook my head, bewildered with my own plans as well.
"Yes dad, I am determined to marry her every year..."
"Oh..." pag baba ng reaksyon niya, tila naiintindihan na ang sinasabi ko.
"Good job. Claim her every year. Gusto ko 'yan. That's a good idea." Ani Kuya Carl sabay tapik ulit sa balikat ko.
"Well, I guess... I just have to tease you again every year..." ani daddy.
"That's okay, dad. Tease me all you want... I will still be the happiest man..." Tugon ko.
"Bakit pala dito sa bahay niyo naisipan mag pakasal?" Tanong ni daddy. "We have other properties, rest houses and an island, why not there? Bakasyon na rin."
Napatingala ako at inalala ang naging usapan namin ni Lia tungkol dito, kung bakit dito ko gusto kami susunod ikasal, kung paano ko siya inaya na pakasalan ulit ako... at... kung paano niya ako pinaluguran sa lahat ng mga kahibangan ko.
"Tingin mo may part two?" Tanong ng maganda kong asawa nang matapos na ang pinanonood namin.
We were watching 'My fault: London'.
It's a Friday and our movie night.
Nasa gitna kami ng malambot at malaking sofa na siya mismo ang namili, sa gitna ng sala namin na sabay namin pinuno ng mga muwebles na pareho namin gusto, na nakapwesto sa first floor ng bahay na pinagawa ko... noon pa... sa isip ko ay dito ako mag tatago sa mundo, habang ang puso ko ay pinapangarap ng siya ang kasama ko rito...
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceLiazabel A. Cabildo has loved freely her whole life-even when it meant loving her best friend, Angelo, in silence. When the time comes that she had to move on, Lia leaves the country, believing distance is the only way to heal. Overseas, there was C...
