CHAPTER 47

47 0 0
                                    

 

Pabagsak na nahiga ako sa kama ko. Kakatapos lang ng late lunch namin. Grabe. Ang dami kong busog. Nakakain kasi ako ng madami. Guess why? Kasi hindi sumabay samin si Xander na kumain. At dahil wala si Xander, umalis din si Ebony para daw hanapin sya. Kaloka talaga. Stylist slash yaya slash anino pala ni Xander si Ebony. I smiled bitterly on that thought.

I have a lots of questions in my mind. Questions about Xander, Ebony and Myself. Yes, myself. I am really wondering why I am feeling this way. Naiinis ako kay Xander ngayong nakita ko na sya dahil nabuhay na naman ang galit sa dibdib ko. Pero mas naiinis ako kapag nandyan nga sya, pero iniiwasan naman nya ako. Ano ba talaga ang nagawa ko at iniwan nya ako dati at ngayon naman ay iniiwasan nya ako ng todo?

Lintek. Lagi na lang ba yun ang iisipin ko? Ilang taon ko na yang tanong sa sarili ko. At napapagod na akong kausapin ang sarili ko.

Dumapa na lang ako sa kama at nagpasyang umidlip na lang. Kung ano ano na naman kasi ang naiisip ko.

-----

Nagising ako ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko yun ng hindi tinitignan ang caller. “Hello?”

“Buti naman at nagising ka na? Kanina pa ako tumatawag.” Boses ni Luigi ang narinig ko.

 

“Bakit ba?”

“Lumabas ka na dyan sa lungga mo, andito kami sa dalampasigan at nag set ng bonfire. May kaunting salo salo din.”

“Inaantok pa ako.” Sagot ko ng nakapikit pa rin.

“Okay. Ikaw ang bahala. Pero papaalam ko lang na nandito si Erine at may tama na. Medyo madaldal to kapag lasing. At medyo ikaw ang gusto nyang topic. Hmm. Bale kayo palang dalawa ni Xander.” cool na sabi nya.

“What?” napabangon ako bigla. Bullsheep! Alam ko ang kadaldalan ni Ms. Erine kapag sinapian na ng espiritu ng alak kaya dali daling bumangon ako bigla at nagpaalam na kay Luigi.

Lumabas ako ng hotel na naka jogging pants at nag-jacket lang na my hood. Paglabas ko ay natanaw ko na agad sila. Nakapaikot sa bonfire si Luigi, Ms. Erine, si Direk Dexter, Mr. Kanata, Ebony at si…Xander.

Tumahimik silang lahat ng dumating ako. I just waved my hand. “Magandang gabi.”

“Akala namin tulog ka na.” Sabi ni Mr. Kanata at umusog sya. Kaya naman  doon ako tumabi sa kanya. Napapagitnaan nila ako ni Xander. Nice. This is really awkward.

“Nagising na po kasi ako, ang haba na rin ng naitulog ko.” Sagot ko na lang at tinignan ng masama si Luigi. Ang mokong naman ay kinindatan lang ako kaya naman inirapan ko sya.

“Oh, please. Drop the ‘po’ thing, Rona. Youre making me feel a lot old. Di naman tayo nagkakalayo ng edad.” –Mr. Kanata

I laughed. “Okay Mr. Kanata.”

He waved his hand. “And also, just call me Hari. That’s my nickname. Mr. Kanata is too formal.”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon