Art of letting go
Alas nueve na ng gabi ako nakarating ng BitterSweet. Napasarap ang tulog ko kaya ngayon lang ako nakarating. Ang aga kasi akong tinawagan ni Miss Erine kanina, eh isang linggo akong puyat dahil sa article na tinatapos ko.
Pagpasok ko sa BitterSweet sinalubong ako ni Roselle mula
“Hoy, babae. Ano na naman idadahilan mo at ngayon ka lang nagpakita?” bungad nya sakin. Naku. Patay. Magsisinungaling na naman ako.
Ngumiti ako ng tabingi sa kanya. “Ehe. Si Luigi kasi. Nangailangan ng back-up. Kaya ayun..” Sorry Luigi, ikaw lagi ang idinadahilan ko sa kanila. Baka sabihan nyo akong masama ha. Inform ko lang kayo na alam ni Luigi ang lahatt ng ito. Sya nga nagsabi na I can use his name daw pag nagkagipitan.
Napailing si Roselle. “Dapat lumayo na Luigi sayo eh. Sya na lang ang lagi mong ginagawang panangga at dahilan.”
Tumawa lang ako at dumiretso na sa mini stage ng BitterSweet kung saan ako kakanta. Katuwaan lang namin nila Roselle at Rm ito nung una. Bored kasi kaming tatlo habang nasa counter. Kaya naman kumanta ako. Nagustuhan ng customers, ayun. Sabi nila bakit daw walang ganun ang BitterSweet, bakit daw di kami maglagay ng ganung pakulo. Dadami pa daw ang customer namin. Kaya naman naghire na kami ng banda na tutugtog kapag sabado at linggo at ako naman ang kumakanta. Mas dumadami kasi ang customer. .(Ang kapal eh no? Sorry naman. Nasabi ko na ban a mahilig din ako sa music at pagkanta?) Pwede kasi silang magrequest ng kakantahin ko. as long as, syempre alam ko.
Masaya naman kasi dito ko din nailalabas ang stress ko. Isang oras lang naman akong kumakanta kaya okay lang.
Habang inaayos ang stage ay nilapitan ako ni Rm. Patay…
“Hoy. Bakit ngayong gabi ka lang nagpakita dito? Diba umaga yung usapan natin?” Salubong nya sakin.
“Ehe. Sorry na. may importante lang akong ginawa.”
Nagdududang tinignan ko nya ako. Paranoid na sila sa mga ginagawa ko. Well, kung ako ang nasa sitwasyon nila, ganun din ang mararamdaman ko. “Ganun pa kaimportante sa cake na ginawa ni Roselle?” she asked.
Nagbuga ako ng hangin. “Okay fine. Kasama ko si Luigi kanina. Nagpunta kasi sya sa bahay ng umaga. Kinailangan nya ng back up. Kasi imemeet nya yung Ex nya. Okay na?” Okay, kailangan same reason para hindi ako mabuking. Hehe.
Tumango sya. “Sige na. Kumanta ka na dyan.” At bumaba na sya ng stage. Bumuntong hininga ako, magagalit kaya sila pag nalaman nilang nagsusulat pa rin ako? Kahit sa magazine na at hindi na sa dyaryo?
Nung okay na ang stage ay naupo na ako sa stool at itinapat ang bibig ko sa mic.
“Good evening everyone. Thanks for coming here tonight. Enjoy you foods!” pagbati ko sa kanila at kumuha nan g isang papel sa box kung saan nakalagay ang mga requested songs nila at dedications. “Okay. Here’s our first song. At may message pa. ‘Kaila, being your bestfriend is the best thing that happens to me. But being your husband is the greatest thing ever. I love you.’ It’s from Kevin. And their requested song is…Lucky.”
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romantik"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...