After four years..
“Hello?! I need your article today!” Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Erine. Ang editor-in-chief ko. Umupo ako sa kama. 5:30 pa lang binubulabog na nya ako.
“Diba sinend ko na sa e-mail mo? Ma’am.” Pahabol ko. Ang kapal ng mukha ko no? Kung makipag-usap naman ako sa editor ko kala mo tropa lang. Well, magkaibigan naman kami. Dalawang taon na rin nya akong writer.
Tumingin ako sa kalendaryo sa bedside table ko. Sabado pala ngayon. Dapat sa BitterSweet ako pupunta.
“I can’t open my email. Na hack ata or something. Nasa akin na ang mga pictures, ibinigay ni Luigi kahapon. Article mo na lang ang kulang.” Sagot nya.
Umungol ako. “Bakit naman na hack ang e-mail mo? Kailangan ako sa BitterSweet ngayon.” Kahit mamayang gabi pa naman ako talaga importante dun.
“Mas kailangan kita. Kailangan na nang publisher yun.Sige, tumambay ka sa Bake Shop nyo ngayon, and we will be dead meat today.”
Bumuntong hininga ako. “Sige, pupunta ako dyan.”
“Okay. See you.”
Pagkababa ng cellphone ay humiga ako ulit. Lumibot ang mata ko sa apat na sulok ng kwarto ko.
I am living the life I want now. I have my own house, business, a car (oops, wala pala akong kotse, hindi ako marunong magdrive. I failed the driving test kaya hindi na ako bumili ng kotse. Nerbyosa kasi ako.) and I am a writer now, in one of the biggest publishing company in the country. Writer ako ng Music & Lyrics Magazine. Ako ang nagsusulat ng article sa mga cover namin. Music ang Lyrics ay isang magazine na naglalaman ng lahat ng tungkol sa Music industry. Mapa-Pilipinas man o ibang bansa. Mula sa mga nagsisimula pa lang sa larangan ng musika hanggang sa mga batikan na. Lahat sila ay pini-feature namin sa magazine na pag-aarin ng MM Tower.
Sa MM tower ako nag part time bilang encoder four years ago. Akalain ko ba na dito din pala ako makakapagtrabaho ngayon.
4 years ago, nagtrabaho ako bilang receptionist sa isang malaking kompanya. Nag-ipon ako para makapag aral ng writing. Isinabay ko sya sa pagtatrabaho. A year after, pagkatapos kong matapos ang short course na iyon, nagresign agad ako sa trabaho para magsulat. Kung nalaman ko lang agad na pagsusulat pala ang gusto ko, sana nga nagjournalism na lang ako.
Naging journalist ako ng isang sikat na newspaper sa bansa. Dalawang taon din akong nagtrabaho doon hanggang sa masangkot ako sa aksidente—na ikinalagay ng buhay ko sa panganib—na naging dahilan para pagbawalan na ako ng mga kaibigan at ni mama na sumulat, particular na sa dyaryo.
Pagkatapos kong makarecover sa aksidente na yun ay saka namin itinayo nila Roselle at Rm ang BitterSweet Bakeshop—na naging bunga ng kamalasan namin sa lovelife at swerte sa pera.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romansa"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...