CHAPTER 5

162 3 0
                                    

Hello College Life

"Anong i-e-enroll mong course?" Tanong ko kay Xander ng nasa tapat na kami ng Saint Anthony University.

Lumingon sya sa SAU at bumuntong hininga. "Ikaw ba?"

Sinapak ko sya sa braso. "Wala ka pa ring naisip na kunin? Grabe ka talagang lalaki ka."

"Kahit ano naman kunin ko, alam kong papasa ako." Mayabang na sabi nya.

Itinirik ko ang mata ko. "BSBA ako, bahala ka sa buhay mo." At bumaba na ako sa sasakyan nya. Narinig ko pa yung malutong nyang tawa bago sya sumunod sa akin.

College na kami pero ganyan pa rin sya. Walang sariling desisyon. Ultimo pakikipagbreak sa mga girlfriends nya, ako pa ang gumagawa ng paaran. Ang sakit lang sa part ko kasi kapwa ko Eba ang sinasaktan nya. Wala eh. Nagkaroon ako ng playboy na bestfriend.

"Bespren, hintayin mo ko!" Sigaw nya sa likod ko.

Nilingon ko sya. "Wag mo na ako tawaging Bespren! College na tayo! Tawagin mo ako sa pangalan ko." Naiinis na sita ko sa kanya.

Inakbayan nya ako. "Okay Rona!" Nakangising sagot nya.

Umiling na lang ako. Habang naglalakad kami, may sexy kaming babae na nakasalubong. Kinindatan nya. Yung babae naman, maarteng inipit yung buhok sa tenga.

Hay nako, nakakakilabot talaga ang bestfriend ko. Lahat pinapatos. Maski ata damitan ng palda ang poste, idedate nya eh.

"Seriously, Xander? Diba may girlfriend ka ngayon? Si Laura? No. I think her name is Lauren, right?"

"Doesn't matter, break na kami." Cool na sabi nya.

Napalayo ako sa kanya. "What? Break agad? Wala pa kayong one week!"

Nagkibit balikat sya. "She's so clingy!"

"At nagsalita ang hindi clingy!"

Inakbayan nya ako ulit. "Ayoko sa kanya. Feeling nya ATM machine ako. Withdraw ng withdraw.. Bili mo ko nun, bili mo ko nyan. Baka mamulubi ako pag nagtagal kami."

"Ang dami mong reklamo, dati si Marie, sabi mo masyadong manang. Paanong di magiging manang eh highschool pa tayo nun? Gusto moa gad liberarted? Si Sarah, sabi mo ang tahimik. Boring. Si Jelly kamo masyadong selosa. Si Des sabi mo masyadong liberated. Ngayon si Lauren naman? Malala ka na." Umiiling na bigkas ko.

"Kasalanan ko ba na wala akong makitang katulad mo?" Simpleng sagot nya sa mahabang sinabi ko.

"Katulad ko? Bakit ka ba kasi naghahanap ng katulad ko? Syempre, wala namang taong magkatulad!"

"Di ko ba pwede gawing requirement yon sa mga magiging girlfriend ko?"

Hinarap ko sya. "Mr. Alexander Hernandez, 18 ka na po. Sana naman, bawat desisyon mo eh pinag iisipan mo. Matanda ka na. Kaya mo ng magdesisyon sa sarili mo. At ang sagot sa tanong mo ay hindi. Pwede bang maging katulad ko ang ibang babae? We are unique in our different ways. Ikaw ang may mali. Don't look at their appearance okay? Try to look at their hearts. And please, please... I'm begging you. Magseryoso ka na pwede? Dahil hindi na kita tutulungan na i-break ang girls mo next time." Mahabang litanya ko.

Sandali syang natulala sakin. "Whoa! Are you really a 16 year old girl?"

Sinuntok ko sya sa dibdib. "Ewan ko na talaga sayo. Bakit ba kita naging kaibigan?"

Tinalikuran ko na sya. Pero humabol sya at inakbayan ako ulit. "Kasi gwapo ako?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

Bumuga ako ng hangin. "I think it's more on 'dahil wala akong choice'."

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon