CHAPTER 22

90 2 0
                                    

Carousel

 

“Xander! Sige na, sakay tayo dun!” Tinuro ko yung Space Shuttle Max.

Nakita ko na namutla bigla si Xander. “Carousel na lang tayo.”

 

Natawa kaming lahat. Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon. Si Xander, ako, Luigi, Kavs at Roselle. Wala si Virg at Rm, may sariling lakad. Si Kavs ang nagyaya samin dito. Si Kavs pala yung tumawag kahapon kay Xander nung muntiik na kaming, ah. Magkiss?

Kahapon, after nyang sagutin ang tawag ni Kavs at sinabi sakin na pupunta daw kami ng Enchanted Kingdom ngayon nagpanggap na lang ako na excited. Sobrang awkward kasi ng feeling ko. Tapos nagpahatid na din ako sa kanya pauwi. Hindi naman sya kumontra.

Tumawa kaming lahat sa itsura ni Xander. Alam ko na may fear of heights sya. Pero ang tanda na nya, dapat wag na syang matakot.

Sumimangot si ako sa sinabi nya na mag-carousel na lang daw kami. “Mukha ba akong 5 years old para sumakay dyan?” nanlalaki ang ilong at mata na tanong ko.

Ngumisi si Xander. “Bakit nung high school tayo tuwang tuwa ka nung sumakay tayo ng carousel?”

 

Sumimangot ulit yung mukha ko. “Eh first time ko yun eh.”

 

Si Roselle naman ang nagsalita sa gulat na gulat na tono. “High school ka na nakasakay sa carousel?!!?”

 

“Grabe! Ang OA naman ng reaksyon mo! oo nga. Wala kasing Amusement Park sa probinsya namin nung mga panahon na yun.”  Well, meron naman. Kaya lang malayo sa amin ang mga amusement park. Wala din naman akong pang amusement park. Saka sino ba ang isasama ko? mag-isa ko lang din naman pupunta.

Kaya nung high school kami, nalaman ni Xander na never pa ako nakapunta ng amusement park at hindi pa nakasakay sa kahit anong rides. Nagulat din sya. Okay. Ako na talaga ang nganga sa ganung bagay.

May peryahan naman sa amin, kaya lang tuwing fiesta lang at saka medyo malayo. Gabi lang naman nag ooperate ang mga rides at hindi ako pwede umalis dahil nga gabi na. Isa pa, wala rin akong kasama. Kaya kahit pwedeng pwede naman akong sumakay ay hindi ko pa rin nagawa.

Kaya naman nung 16th birthday ko, sinurprise ako ni Xander. Dinala nya ako sa likod ng mansion nila. Akala ko kung anong meron pero pag bukas ko ng mga mata ko may Carousel akong nakita. Naiyak pa nga ako dahil sa ginawa nya. Saan nya kinuha ang carousel na to? Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Manang na nakangiti sa amin at may hawak na camera. Tapos si mama din na nakangiti. Tapos may katabi syang lalaki na siguro syang mag-ooperate sa Carousel. Nilingon ko si Xander na malawak ang ngiti sa akin at inilahad ang kamay nya sa akin. Tinanggap ko yun at sumakay kami ng Carousel. Magkatabi ang kabayo namin. Habang umaandar ang Carousel ay nakangiti lang sya sakin. At ganun din ako sa kanya. Yun yung time na pinicturan kami ni Manang. Yun ang litrato nan aka display sa kwarto nya. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko nung araw na yun. Kapag naaalala ko ang lahat ng ginawa ni Xander para sakin, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit na lahat ng yun ay ginawa lang nya dahil sa pagkakaibigan namin. Hindi pa rin ako nagsisisi na inamin ko na sa sarili ko ang lahat. Nangako na lang ako sa sarili ko, na kapag para naman sa kaligayahan ni Xander, gagawin ko ang lahat.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon