CHAPTER 44

95 1 0
                                    

Me and him

A week after we left Batangas, balik trabaho na ulit.

Nandito ako ngayon sa office ni Ms. Erine at hawak ang magazine kung saan nakasulat ang interview ko kay Sam.

“Malakas na naman ang benta ng magazine natin.”

 

Ngumisi ako kay Miss Erine. “Magagaling ang writers eh.”

“Oh, I forgot to tell, dumating na si Xander kahapon.”

 

Napahigpit ang hawak ko sa magazine. “Ah, di ko nabalitaan.”

“Hindi naman kasi alam ng iibang taga media ang pagdating nya kaya tahimik syang nakarating dito.”

Tumango naman ako. At hindi na nagsalita.

“This week na ang interview mo sa kanya. Mamaya ko pa malalaman ang ibang details sa meeting. Pero ang alam ko ay out of town mo sya iinterviewhin. And because he is a big star, cover sya ng magazine natin kaya sasama sakanya sa venue ng video shoot nila.”

Isinara ko ang magazine. “Pwede bang kay Miki na lang ang project na to?” Isa ring kasamahan kong writer si Miki.

Kumunot ang noo ni Ms. Erine. “Tumatanggi ka sa opportunity? Kapag maganda ang kinalabasan ng sales ng magazine na iyon, promoted ka na.”

 

Nanlaki ang mata ko. “What? Totoo?” di makapaniwalang tanong ko.

“Yap, pero parang ayaw mo eh. kay Miki na lang.” nakangisi sya.

 

“Nagjojoke lang ako. Go na ako dyan.”

Sige na. Para sa promotion ay hahamakin ko ang lahat.

“May nakaraan pala kayo ni Xander at wala ka manlang sinasabi sakin.”

“Anong nakaraan ba yun? Wala kaming nakaraan.” Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, maha-hot seat ako bigla.

“You know what, you’re not good at hiding things. Madali kang mabuking.” Sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Lumapit naman sya sakin at umupo sa sofa.

“Kung ano man ang nangyari sa inyo noon ni Xander, halatang apektado ka pa rin.”

Totoo naman, apektado pa rin ako. Apektadong apektado. Lalo na ngayon. Nagbalik na sya. Mas lalong bumibilis ang kaba ng puso ko sa muling pagkikita namin. Nakakaasar. Ano kaya nag mangyayari sa pagkikita namin?

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon