CHAPTER 13

99 2 0
                                    

Lying

“Nasaan ka ba?!” Galit na tanong sakin ni Xander.

Alas dose na nang medaling araw. Wala ako sa apartment ko. Nandito ako ngayon sa office na pinagpa-part time-an ko. Malapit lang naman ito. Konting lakad, tapos isang jeep at konting lakad ulit.

Nakita ko na marami na pala syang tawag sakin at text na hindi ko nabasa at nasagot dahil bawal ang cellphone. Ngayon naman may 30 minutes break lang ako.

 

“N-nasa apartment. Bakit?” Nauutal na tanong ko sa kanya.

 

“You are not here. Nandito ako. Kanina pa ako dito sa labas ng apartment mo. Nasaan ka?”

 

“Bakit ka nandyan?” Tanong ko naman.

 

“I’m the one who asked you first. Where are you?”

“Wala ako sa apartment.”

Bumuntong hininga sya. “Just answer me seriously, okay? Where are you?” Frustrated na ang boses nya.

Hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan ako. Magagalit yun. So anong idadahilan ko? Bakit naman kasi nasa bahay sya? Di naman sya madalas pumunta dun pag gabi. Tatambay lang sya pagkagaling sa school tapos uuwi na din.

 

“Na-nandito ako kila… kila Eliz. Oo kila Eliz. Mag i-sleep over ako dito.” Si Eliz yung isa kong classmate.

 

“Bakit hindi ka nagpaalam? You are making me worried!!”

“Sorry. Biglaan lang kasi.”

Matagal bago sya sumagot. “You are not lying, aren’t you?”

 

“Of course not! Sorry na. Kailangan kasi naming tapusin ang script namin sa play.” Kinagat ko ang labi ko. Hello! Tapos na kaya nag script namin. More on practice na lang.

“Next time, tawagan mo naman ako o itext.” Malumanay na ang boses nya.

“Sorry, wala akong load. Tapos nawala na sa isip ko.” The truth is may load ako. Waaa! Ang dami ko ng sinabi na hindi totoo. Sorry Lord. Di nya talaga pwedeng malaman eh. Masisira ang surprise ko.  “Bakit ka pala nandyan?”

“I brought you dinner. Alam ko naman kasi na can foods na naman ang kakainin mo.”

“Kanina ka pa dyan?”

Huminto sya sandali. Siguro tumingin sa relo nya. “Mga past 8.”

Past 8??? Alas dose na nasa labas pa sya ng apartment?

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon