CHAPTER 48

57 0 0
                                    

 

“Okay na ba ang model na magiging partner ni Xander sa Music Video?” narinig kong sabi ni Direk sa kabilang linya. May kausap kasi sya na sa pagkakarinig ko ay tinawag nyang manager. Since hindi ko naman alam kung tungkol saan ang kanta ni Xander kaya clueless din ako sa music video nya. May partner pala sya sa music video nya. now I’m starting to be curious about his song.

“Goodmorning.” Narinig ko ang boses ni Luigi kaya napatingin ako sa kanya. Nandito na kami sa set, ala syete pa lang ng umaga. Maganda kasi ang panahon ngayon at maaga daw sisimulan ang shoot para maaga din daw matapos at ng makapasyal pa daw ang gustong mamasyal mamaya.

“Goodmorning.” Bati ko din kay Luigi. “Masakit pa ba ang ulo?” Concerned na tanong ko.

“Hindi na. Salamat sa gamot na iniwan mo sa bedside table ko. I mean sa bedside table mo.” nakangiwing sabi nya. Dahil sa sobrang kalasingan ni Luigi kagabi ay hindi ko na sya nadala sa kwarto nya since ang bigat bigat nya. Kaya naman dun ko na lang sya pinatulog sa kwarto ko. At ako naman ang natulog sa kwarto nya.

“Iinom inom kasi, akala mo naman kaya.” Pang-aasar ko sa kanya.

He just laugh and sipped his coffee. “How’s your hand?” he asked.

Tinignan ko ang kamay ko na may band aid. “Okay naman na.”

Tumango sya. “So, manonood ka ng shoot?”

Tumango naman ako. “I need to watch para sa isusulat kong article.” Ganito kasi ako kapag may mga interviews ako. I watch the person I’m going to interview para maobserbahan ko sila at ng hindi na ako mahirapan pag ininterview ko na sila. Madalas kasi sa lahat ng iniinterview ko ay nagiging kaibigan ko bago at pagkatapos ng interview. They all trust me kasi lahat ng isinusulat ko tungkol sa kanila ay puro magaganda.

“Really? I think hindi mo naman na kailangang obserbahan si Xander. Kilalang kilala mo naman na sya.” Luigi said without looking at me.

I just shrugged. “Well, not anymore.”

“What happened between you and him last night?”

I looked at him. “What do you mean ‘what happened’?

It’s now time for him to shrug. “I don’t know.”

“We just talk.” I just answered.

I saw in my peripheral vision that he looked at me. “Talk about what?”

“Hindi ko na maalala. Di naman importante.” Sagot ko na lang at inagaw sa kanya ang kape na hawak nya. “Painom ha?”

Umiling lang sya at masuyong tinignan ako. “Just tell me kapag sinaktan ka nya ulit ha? Hindi na ako mangingiming basagin ang mukha nya.”

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya. “As if you can do that? Besides, I don’t want to turn you into a bad guy.”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon