CHAPTER 27

118 2 0
                                    

Soft Kiss

 

“Xander?” Tinapik ko sya sa balikat. Kami na lang ang tao sa baba. Nasa sala pa rin sya at nakaupo.

Narinig ko na umungol sya.

Hinila ko yung kamay nya. “Tumayo ka na. Matutulog na tayo.”

Nagulat ako ng hinila nya ako. Napaupo ako sa tabi nya. Isinubsob nya yung mukha nya sa buhok ko.

“Let’s stay here for a while.” Bulong nya.

“Inaantok na ako.” Kahit hindi pa naman.

He sniff my hair. “Your hair really smells good.” Mahina pa rin ang boses nya.

“Xander..” Nagbabanta na ang boses ko.

Mahinang tumawa sya. “I love it when you are so close to me. Can we stay like this forever?”

Hindi ako agad nakasagot. Ano ba yung mga sinasabi nya?

“Nakakangawit naman kung forever tayong ganito.” Pilosopo kong sagot. I just want to make things lighter.

Natawa sya ng mahina. “If I ask you to date me, for real. Will you say yes?” Seryosong tanong nya. Nakapatong na ang baba nya sa ulo ko. Xander! Ano ba yang mga sinasabi mo? Tumigil ka na!

“Ano bang tanong yan? Nagdate na tayo diba?” Sagot ko ko na lang.

Natawa ako sa sarili ko. Bakit ko ba pinapatulan ang sinasabi ng lasing na to? Eh kapag lasing naman sya, normal na ang pagiging madaldal nya.

“No. I mean, a real one. Yung susunduin kita, at magpapareserve ako sa magandang restaurant. You, wearing your best dress. And me, wearing my best smile. We dance in the sound of violin. You will hug me and I’ll hug you back.”  Parang nagkekwentong bigkas nya.

Naimagine ko ang sinasabi nya. To be honest, I really like what he’s saying.

 

“I have a confession to make.”

 

“Hmm?” Sagot ko naman.

Humigpit ang yakap nya sakin. Napapikit ako. Can I be selfish just for now? Pwede bang sakin muna sya?

“I always dreamt about that.” Napangiti ako. “And after we dance. I’ll take you home. And you will give me a goodnight kiss.”

“Xander…” Mahinang sabi ko. Saan ba patungo ang usapan namin na to?

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon