CHAPTER 41

80 1 0
                                    

Batangas

“So Sam, how did you discover your passion in music?” I asked. Nandito kami ngayon sa townhouse ng manager ni Samantha na si Mr. Zalde. Ngayon ang interview ko sa kanya. Nakaupo kami sa garden kung saan nakaset-up ang nagaganap na interview. Sa ibabaw ng hita ko ay nakapatong ang recorder ko. Si Luigi naman ay nakatayo at kumukuha ng picture habang nag-uusap kami ni Sam.

Ngumiti si Sam sakin. “I love music since I was a kid. But I am always afraid to try my luck in music industry…”

“Bakit ka naman natatakot? You have a talent.” Sabi ko naman, though, I haven’t heard her sing.

“Mahiyain kasi ako.” Muntik na akong humagalpak ng tawa. Sya, mahiyain? Edi ano pa yung makapal ang mukha? Ngumiti na lang ako. “Pero hindi na ngayon.” Binuntutan nya pa ng maarteng tawa.

“So, paano ka nagsimulang ipakita ang talent mo sa madla?”

Umayos sya ng upo. “I joined music club when I was in college. There, nagsimula na rin kami mag gig ng ibang bandmates ko. Doon nagsimula ang pagmamahal ko pang lalo sa music.”

Tumango ako at nagsulat. Kahit nakarecord na ang interview ay nagtetake pa din ako ng notes.

“I heard na sa Japan ka nagpeperform? Paano ka napapad doon?”

“Nung college ako, I dated someone. I met him in the bar where he and I used to play music. Parehas kaming college student pa. Hindi kami magka schoolmate kaya hindi ko sya kilala..” She paused, so did I. Did that someone is him? Xander? “His passion in music inspires me. I fell inlove with him. But it didn’t workout in both of us.” Pagpapatuloy nya na parang nagbabalik tanaw. “I loved him,pero mukhang di kami mutual. I can’t push myself to him, right? That’s pathetic. Pero wala eh, mahal ko ata sya talaga dahil after college graduation, I heard that he went to Japan…” She paused again. Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa ballpen. I don’t know where this talk will go, but I’m sure na hindi ko ito magugustuhan.

“So you followed him?” I asked.

“Yes.” Nakangiting sagot nya. “Kaya lang, pagdating ko doon hindi ko naman alam kung nasaan sya. Kaya tumambay lang muna ako dun.” Natawa sya. “I have a friend who owns a bar at inalok nya ako kung gusto ko daw kumanta doon. Tinanggap ko na, tutal wala pa akong ginagawa. At tadhana nga naman, kakilala din niya ang may-ari ng bar na kinakantahan ko. Dun kami ulit naging close.”

Nanikip ang dibdib ko. So, Sam was the reason kaya naman naging balewala na ako sa kanya? Great!

Tumikhim ako. May namumuong bara kasi sa lalamunan ko. “And?”

“We just became close.” She laughed. “We just became friends, but my feeling for him remains. 2 years ago he became a star. At naging busy na sya. Ako rin. Kaya naman wala ng oras para samin. At dun naman pumasok ang gwapong gwapo kong manager na si Mr. Zalde. Nakitaan daw nya ako ng “Star factor” haha. And puff! I’m here now in front of you. Turning my dreams ito reality.”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon