Why I can’t be mad at you?
Nagising ako ng maramdaman ko na may umupo sa kama ko. Hirap na dumilat ako. Sisigaw na sana ako ng makita ko si Xander. Wait? Bakit sya nandito? Nananaginip ba ako?
Tumihaya ako. “Xander?”
“Sorry, nagising kita.” Masuyo ang boses nya.
“Bakit ka nandito?” Paos na tanong ko.
“Just checking, mamaya nasa labas ka na naman. At bakit hindi ka nag lock ng pinto?”
Kununot ang noo ko. Nakalimutan kong i-lock? Patay…
“Sorry..”
Bumuntong hininga sya. “Nakakainis. Why I can’t be mad at you?”
Ngumisi ako. “Because you love me. I’m you bestfriend. Only bestfriend.”
“Yeah right. And the only person who can ruin my day.”
Ngumisi ako. “Bati na ba tayo?”
“Do I have any choice? Pero mag-explain ka muna. Why did you lie? Sabi mo dati kila Eliz ka. Tapos makikita ko na kasama mo si Luigi.”
Tumingin ako sa bedside table ko. 1:24 am na. Umayos ako ng upo. Wrong move kasi nahilo ako. May lagnat na nga kaya ako? Ang init kasi ng pakiramdam ko. Yumuko ako at kinuha yung gitara sa ilalim ng kama ko. Inabot ko sa kanya.
Kumunot yung noo nya. “What’s this?”
“Happy birthday!” Sabi ko naman.
Binuksan nya yung zipper ng lagayan ng gitara at nanlaki yung mata nya pagkaita ng laman. “Where did you bought this?”
“Sa mall.”
“It’s expensive! I know you don’t have enough money to buy this.”
“Ikaw na lang lagi ang nagbibigay sakin. Ito naman siguro ang time na ako naman ang magbigay sayo.”
Lumiit yung mata nya. “You’re still not answering my question.”
Umungol ako. “Guilty ako sa pagsisinungaling. Pero promise, I’m not dating Luigi or anyone. Ayan ang dahilan kung bakit ako laging wala.”
“What do you mean?”
Umungol ako ulit. “Pwede wag mo ng itanong? Dapat mamaya ko pa yan ibibigay eh. Since andito ka na. Ayan na.”
“Alam kong wala kang pera, so paano mo nabili to? Nagtrabaho ka?”
Ngumuso ako. “Panira ka ng trip.” Tapos naubo ako bigla. Okay. Di na ako magdedeny. Dama ko na nilalagnat na ako. Humiga ako ulit. “Okay lang ba mamaya na tayo mag-usap. Masakit kasi yung ulo ko. Pero wala ng bawian ha? Bati na tayo.” Pumikit na ako ulit.
Hindi sya nagsalita at lumapit na lang sakin para ayusin yung kumot ko. Sabi na eh, hindi ako kayang tiisin nito.
Naramdaman ko na inayos nya yung buhok ko. “You’re hot!” biglang bigkas nya.
Binuksan ko yung isang mata ko at ngumisi. “I know, right?”
“Silly. May lagnat ka pala, bakit hindi mo sinabi? Uminom ka na ba nang gamot? Wait. Kumain ka na ba?” Natatarantang sabi nya.
Ngumiti ako ng tabingi. “Hindi pa. Both.”
Umiling sya. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Pinapabayaan mo yang sarili mo. Iniwan mong di nakalock yung pinto, tapos nag skip ka ng dinner. May sakit ka at hindi ka uminom ng gamot. I don’t know what to do with you anymore.”
Tiinignan ko na lang sya na sinesermunan ako. Sya naman nagpunta na nang kusina. Napangiti ako. Welcome back bespren! Di na sya cold sakin. Nyahaha.
Pumikit na lang ako ulit. Nagising ako ng maramdamn ko yung marahang tapik nya sa akin.
“Kumain ka muna so you can drink your medicine.”
Inaantok na umayos ako ng upo. Nakita ko na may lugaw sa tray na dala nya at orange juice.
Magkaharap kami ngayon sa kama. Kumutsara sya ng lugaw at hinipan yun. Tapos sinubuan nya ako. “Wag mo na akong subuan.”
Pinanlakihan nya lang ako ng mata kaya wala na akong nagawa. Nakalahati ko lang yung lugaw kasi wala rin naman akong panlasa. Inabot nya sakin yung capsule at ininom ko. Tapos pinahiga na nya ako ulit at inayos yung kumot ko.
“Matulog ka na ulit.”
Tumango lang ako at pumikit. I felt his lips on my forehead. Ngumiti ako. Now, I feel a lot better.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...