Kay Luigi
Hapon na, pero naninto pa din kami sa school. Buong umaga ko hindi nakita si Roselle at Rm.
“Nakakatamad pang umuwi, where do you want to go?” Tanong sakin ni Xander.
Tinitigan ko sya. Walang bakas na naaalala nya ang lahat ng nangyari kila John. At nalulungkot ako. A part of me gustong komprontahin sya. Pero lagi namang hindi ko magawa.
Sasagot na sana ako sa kanya na gusto ko ng umuwi. Pero biglang nagring yung phone ko. Si Roselle ang tumawag.
Sinagot ko, hindi pa ako nagsasalita, bumungad na agad ang boses nya.
“Nasaan ka? Kasama mo ba si Xander?”Tanong nya.
“School. Oo. Wait. Bakit ganyan yung boses mo? Are you crying?” Nag-aalalang tanong ko.
“Pwede nyo ba akong samahan sa Terminal pa Batangas? Let’s pick up ate Rm, please?”
“Ha. Ah. Sige. Hintayin mo kami sa Gate.” Then she hung-up.
“Xander, samahan natin si Roselle. Pupunta sya sa Batangas Terminal para sunduin si Rm.”
Kumunot ang noo ni Xander. “Bakit nandun si Rm?”
“Hindi ko din alam.” Mabilis naman na naglakad kami sa Parking lot ang sumakay ng kotse. Sakto naman na nasa gate na si Roselle pagdating namin doon. Sumakay sya agad sa backseat.
“Ano bang nangyari?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.
“I need to stop ate Rm. Balak nilang magtanan ni Virg.”
Napanganga ako. Si Xander naman ay tumingin lang kay Roselle sa rearview mirror.
“Anong naisip nila?” Kinuha ko yung cellphone ko at nag dial. Sinubukan kong tawagan si Rm at Virg. Pero hindi ko sila makontak. “Di ko na ma-dial si Rm at Virg.” Frustrated na imporma ko sa kanila.
Tumingin lang sa labas ng bintana si Roselle. Malungkot na bumaling ako ulit sa cellphone ko. Kahapon lang, nasusuklam pa si Rm kay Virg. Pero ngayon magtatanan sila? What’s wrong with earth?
“Tatawagan ko si Luigi.” Bigla kong naalala.
Kinuha ni Xander ang cellphone ko. “Ako na.” Sumimangot ako. Nagdadrive sya tapos sya ang tatawag? Umiling na lang ako. wait. Bakit ayaw nyang kausapin ko si Luigi? Is he jealous? Okay. Wag muna isipin yan. Saka na ang landi.
Lumingon ako kay Roselle. Nakatanaw lang sya sa labas ng bintana. Parang masyadong malalim ang iniisip nya. Saka nasaan si Kavs? Wait. Magkaaway ba sila? Hindi ko na sya natanong kasi huminto na ang sasakyan ni Xander. Nasa Batangas Terminal na kami. Bumaba kaming tatlo.
Hindi gaanong marami ang tao. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang sasakyan ni Luigi. So, mas nauna pa pala syang nakaalam sa amin? Bakit hindi nya kami tinawagan?/ hindi nya kasi sinagot ang tawag ni Xander kanina.
Hinanap ng mata namin si Luigi. Nakita namin si Rm sa labas ng terminal. She’s crying like a child. Nakayakap lang si Luigi sa kanya.
Teka, bakit wala si Virg? Hindi nya sinipot si Rm?
Nakita ko na lalapitan sila ni Roselle. Pinigilan ko sya. “Hayaan na muna natin sila.” Malungkot na sabi ko.
Niyaya na kami ni Xander na bumalik sa sasakyan. Pero hindi muna kami umalis. Pamaya maya ay nakita namin na binuhat ni Luigi si Rm at ipinasok sa sasakyan. Tumingin ako kay Roselle. Nasa backseat ako sa tabi nya. She is crying. Hinawakan ko ang braso nya at malungkot na ngumiti. I don’t know what to say. Ngumiti lang sya sakin at pinunasan ang luha nya pagkatapos ay tumingin ulit sa labas ng bintana.
Hanggang sa naramdaman na namin na iniandar na ulit ni Xander ang sasakyan. Si Roselle naman ay nagpahatid na sa bahay nila. Walang nagsasalita sa amin. Pagkahatid namin sinabi ko kay Xander na ihatid na rin nya ako sa apartment.
Pagdating sa apartment, pumunta sa kusina si Xander, para siguro kumuha ng tubig.
Ako naman umupo sa dining table at nangalumbaba.
“Kanino galing to?” Narinig kong tanong nya. Nag-angat ako ng tingin sa hawak nya. Yun yung chocolate na binigay ni Luigi.
“Kay Luigi.” Simpleng sagot ko.
“When did he gave it to you?”
Tumayo ako at kinuha sa kanya ang chocolate. Kakainin ko na, baka sakaling bumuti ang pakiramdam ko.
“Nung naaksidente ka sa skate board competition. Nandito sya sa bahay.” I opened the wrapper.
“What? Nandito sya? Sya lang?” Umupo sya sa harap ko.
Kumunot ang noo ko. “Oo. Anong masama dun? Sya din ang naghatid sakin papunta sayo.”
“Why did you allow him here? Lalaki sya. Babae ka.”
Mas lalong kumunot ang noo ko. “What’s wrong with that? Ikaw din naman ah pumapasok dito?”
Bumuntong hininga sya. “I’m your bestfriend.”
“Yes. And he is my friend. Wala ka bang tiwala sa kanya?”
Nag-iwas sya ng tingin. “I almost forgot. Bakit mo ng pala sya pagbabawalan dito? You like him so he’s welcome here.”
“What are you trying to say? Ganun ba akong babae?”Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
Biglang nagbago ang ekspresyon nya. “No, it’s not like that.” Tumayo sya. “Aalis na ako. magpahinga ka na.”
Yun lang at umalis na sya. Naiinis na ibinalik ko ang chocolate sa ref. Ano bang problema nya kay Luigi? Hay nako! Naiinis ako sayo Xander! Ang manhid mo. Napakamanhid mo!
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...