CHAPTER 18

104 2 0
                                    

A date. For real.

 

Dalawang buwan na rin ang nakakaraan, at si Virg na at Rm. 2 months na din kasi silang break ni Paul. Thank you Lord at pinaghiwalay nyo na sila. Grabe lang ang  ginawa ni Paul kay Rm. Nakakainis talaga.

Kahapo nagtanong si Virg kung pwede na nyang maging girlfriend si Rm, at ano pa nga ba ang sagot? Edi syempre, oo. Hinarana sya ni Virg sa school gym. Hay.. kinikilig ako for them. Ako kaya? Kelan? Si Roselle kasi parang may progress na din ang pagpapapansin ni Kavs. Mukhang napapansin na sya ni Roselle.

Nakaupo kami sa school lobby ng dumating na si Rm.

“Naks! Pag may jowa blooming na agad! Congrats friend!” Bungad ko sa kanya. Ganyan ba talaga ang mga inlove? Grabe ang glow ng mga mata?

Tumawa sya. “Naman! Kaya mag boyfriend ka na din kasi medyo haggard ka na.”

Sumimangot ako. “Epal ka din eh. Di kita papatulan ngayon kasi alam ko masaya ka. I’m happy for you.” Nag smile ako sa kanya.

“Thank you friend! Mamaya ka na magdrama ha? Late na ko sa class ko eh! Bayie!” nag wave sya sa amin at umakyat na nang hagdanan papunta sa classroom nya.

“Okay! Sabay tayong tatlo mag lunch mamaya ha!” Sigaw ko sa kanya.

Huminto sya at lumingon sa amin. “Naku. Sabay kami ni Virg mamaya.”

Sumimangot ako ulit. “Well well well. Ganyan talaga ang buhay pag may lovelife na ang friends. Sige lang! Kami na lang ni Roselle ang sabay!”

Bigla kong nakita yung alanganing ngiti ni Roselle.

“Friend, kasi..”

“Ano? Don’t tell me kayo ni Kavs ang sabay?” Mataray na tanong ko.

 

“Ah, kasi may usapan na kami eh. Sorry friend.”

Bumuga ako ng hangin at nagslouch. “Ang saklap naman ng life.”

Natawa si Rm.  “O sige na! Late na ko talaga! Si Xander na lang isabay mong kumain!”

Umupo ako at tinatamad na kumaway. “Psssh. Sige na.”

Ilang sandali pa nag-ring na yung bell, ibig sababihin start na nang first period namin. Ayaw ko pang tumayo kaya hinila na ako ni Roselle. Nabibitter talaga ako sa dalawang babae na to. Ang sasaya sa lovelife nila eh.

Wala pa rin akong gana ng pumasok na kami sa classroom at naupo. Pagkaupo namin dumating na din si Xander. Tinignan ko lang sya sa pintuan. Kumunot ang noo nya. Tapos tumingin sya kay Roselle. Si Roselle naman nagkibit balikat lang.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon