CHAPTER 1

170 2 4
                                    

"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them."

 

Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her.

 

Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not rich, not famous, just ordinary, bestfriend of Xander. And secretly inlove with him.

 

Two dumb and numb person stuck in the place called 'friendzone'. Malalaman ba nila ang nararamdaman nila sa isa't isa? Maybe yes.

 

But what if it's too late already?

 

What if some situation or people will get into their way after finding out their feelings for each other?

 

Can they still be together?

 

Or one of them will give up their friendship?

 

Or worst, their feelings?

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---Hello my dear readers! i'm back! haha. So ito na ang book 3 ng quadrilogy ko. Enjoy reading! :) - Nunaaay

--------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

Tam-Tam

 

NUEVA ECIJA,  2003

Naglalakad na ako pauwi galing sa eskwelahan. Nasa tapat na ako ng isang malaking mansion. Mansion ng mga Hernandez. Ala singko pasado na ng hapon.

Napalingon ako sa mansion. Sobrang ganda kasi. Pangarap ko at ng lahat ng bata dito na makapasok sa loob nun. Ang kaso, bawal naman dahil private property yun. Nasa ibang bansa daw yung may ari sabi ng mama ko sakin. Inalis ko na yung tingin ko sa masion.

 Nagdiretso na ako ng lakad ng may maramdaman akong kaluskos.

Natakot ako. Kahit hindi pa gaanong madilim ay wala akong kasama na naglalakad. Lumingon ako sa likuran at lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang mabalahibong aso na papunta sa akin.

Ayaw ko sa aso! Kahit hindi pa ako nakakagat ay takot ako dito.

Binilisan ko ang lakad ko. Pero papalapit ng papalapit ang tunog ng kahol ng aso. Tumakbo na ako.

“Tam Tam! Come here!!” Narinig kong sigaw ng batang lalaki mula sa likuran ko. Siguro sya ang may ari ng aso.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon