CHAPTER 15

107 2 0
                                    

Silent treatment

 

Pagkarating namin sa Condo ni Xander dumating na din si Luigi. Si Virg at Rm lang ang wala.

“Roselle, nasaan yung ate mo?” Tanong ko. Umupo na sila sa sofa. Si Kavs naman nagsalang na nang movie sa DVD Player.

“Tawagan mo nga sya na dito na sya dumiretso.”

Tinawagan ko naman si Rm. Magkasama pala sila ni Virg at dito na daw sila dederetso.

Tumingin ako kay Xander. Kakagaling lang nya sa kusina dala yung pitcher na may juice at snacks. Still, not looking and talking to me.

Umupo sya sa sofa. Tumabi naman ako sa kanya. Tapos tumabi naman si Roselle sakin. Tapos si Kavs naman ang tumabi kay Roselle. Si Luigi nasa single seater na sofa.

“Ganda. Umiiwas ka na naman.” Narinig kong sabi ni Kavs.

Nilingon sya ni Roselle at masamang tinignan. “Wag ka ngang maingay. Nakita mo ng nanonood ng movie diba?”

“Ayoko panuodin yan. Ikaw lang gusto kong tignan. Wag ka ng tumalikod please?”

Humiyaw kaming lahat sa banat ni Kavs. Di ko mapigilang kiligin. Tumingin ako Kay Xander, Ang saya nya ha? Pagdating sakin serious mode na ulit. Haaaaay! Lumingon ako kay Luigi. Nakatingin sya sakin. Nakikisimpatya na ngumiti sya sakin. Hindi din sya kinakausap ni Xander. Kagabi ko pa pinagdadasal na sana wag nyang suntukin si Luigi kagaya ng kay Dave. Kasi hindi naman ako nakikipagdate kay Luigi eh.

“Yow!” Napalingon kami sa pinto dumating na sila Rm. 

“Yow din! Ano yang nasa mukha mo? Bago mong pauso?” Pang-aasar ko kay Virg. May pasa kasi yung mukha nya.

“Oo. Gusto mo din?” sagot naman nya. Ang hard nito ah!

“Nako, di ko bagay yan. Si Xander na lang.” Bumaling ako kay Xander. “Gusto mo ba?”

Tinignan lang nya ako ng masama. Sumikip yung dibdib ko. Bakit ba galit pa rin sya? Nag sorry na nga ako. Ang sakit naman ng treatment nya sakin. Kaya tumahimik na lang din ako. Wala din naman ako maintindihan sa movie na pinapanuod namin.

“Xander, nasan yung medicine kit mo?” Tanong ni Rm.

“Ah, wait. Kukunin ko.” Malungot na sinundan ko ng tingin si Xander ng tumayo sya. Talk to me please!!!!!

Pagkaabot ni Xander ng medicine kit, naupo na sya ulit. Sila Virg naman ay nagpunta sa kusina kasama si Rm.

Napansin ko na may hawak ng video cam si Xander nung bumalik na sya.

“Pre, anong pauso yan?” Tanong ni Kavs kay Xander. “Pinapanuod na nga natin yung movie ipapirate mo pa?”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon