CHAPTER 25

89 2 0
                                    

The truth

Nandito ngayon sa apartment ko si Rm. 2 days after ng birthday ni Virg at kahapon ang aksidente ni Xander. Half day lang kami ngayon sa school. Si Xander hindi pumasok, nagpapahinga sa condo nya. Mamaya, pupuntahan ko sya.

Narinig ko ang buntong hininga ni Rm. Sa kalagayan nya, gusto ko na ring mapabuntong hininga.

“Ano na naman yang buntong hininga na yan?” Tanong ko sa kanya.

Nagbabasa ako ng libro. Sya naman nagce-cellphone.

“Wala. Feel ko lang. Bakit, bawal?”

“Alam mo, kung tungkol yan dun sa Lory, magtanong ka na kasi kay Virg. Kesa hinga ka ng hinga ng malalim dyan.”

“Ayoko magtanong.”

“Kasi natatakot ka sa sagot?” Nilingon nya ako. Nakatutok pa din yung atensyon ko sa libro pero dama ko ang titig nya.

“May dapat ba akong ikatakot?”

 

Natigilan ako sa tanong nya. “Rm.” Lumingon ako sa kanya at sinara ang librong hawak ko. Maybe, I should tell her now?

“Hmm?” Pinatong nya sa lamesa yung cellphone nya.

“Pano nga kung may dapat kang ikatakot?”

“Ha? Hindi ko maintindihan yung sinasabi mo.”

Bumuntung hininga ako. “Pano ko ba sasabihin to?” Pagkausap ko sa sarili ko. Ang hirap naman nito. “Okay.” Ipinatong ko yung paa ko sa sofa at umupo paharap sa kanya. “Pano kung may something pala sila nung Lory na yun. Anong gagawin mo?”

 

Halatang nagulat sya sa tanong ko. “Ha? Bakit mo naman natanong yan?”

“Sagutin mo na lang.”

Yumuko sya. “Hindi ko alam.” Mahina nyang sagot.

Nagbuga ako ng malakas na hangin at inihilamos ang kamay ko sa mukha.

“Naalala mo nung binilan natin ng regalo si Virg? Tapos kumain tayo sa Mcdo?”

“Oo.”

“Yung sabi ko na may nakita akong pogi?”

“Oo. Bakit yun?”

Sasabihin ko na ba? Pero ano pang sense kung itatago ko diba?

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon