CHAPTER 43

84 3 0
                                    

Kavs and Roselle

Kinabukasan ay wala na si Rm pagkagising namin ni Roselle. Akala namin ay umuwi na sya, pero nasa kwarto pa lahat ng gamit nya.

Niyaya ako ni Luigi na mamasyal sa Resort. Niyaya ko si Roselle na sumama sa amin pero ayaw nya. Sabi nya ay kami na lang muna. Trip daw nya mag-emo.

Namasyal lang kami ng namasyal ni Luigi sa Resort. Napunta kami sa part ng resort na nirerenovate pa. Hawak ko ang cellphone ko noon at picture lang ako ng picture sa mga view ng biglang may mahagip ang camera ko na isang pamilyar na tao.

“Kavs?” Mahinang tanong ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga ang nakita ko.

Nag mature sya pero hindi naman nagbago ang mukha nya. Nakasuot sya ng light blue na longsleeve polo, slacks at helmet. May hawak syang blueprint. He looks like an engineer. Oo nga pala, engineering ang course nya dati.

May kausap syang babae na parang halos ka edad ko. May hawak na bata ang babae. Siguro nasa 5-6 years old na yung bata. Sino kaya yun? Lapitan ko kaya si Kavs?

Bumaling ako kay Luigi, at nakita ko na parehas kami ng tinitignan. “Luigi, lapitan natin si Kavs.”

Pagkalapit namin ay tinawag ko sya. “Kavs.”

Lumingon sya samin. “Rona.” Medyo gulat ang mukha nya. “Luigi, pare.”

 

Lumapit sya samin. Niyakap nya kami pareho. “Kamusta?” tanong ko.

Ngumiti sya. “Ayos naman.” Tinawag nya yung kausap nyang babae na nakangiting lumapit sa amin. “Kath, here’s my college friends. Rona and Luigi. And this is Kath, my younger sister.”

 

Yes!!! She’s not her girlfriend, madidisappoint talaga ako ng bongga pag nalaman ko na committed na si Kavs.

Nagbeso kami ni Kath at shake hands naman sila ni Luigi. “I didn’t know you have a sister.” Sabi ko.

“Hindi ko din alam dati.” Tumawa ng mahina si Kavs at tinawag ang bata na naglalaro ng buhangin. “Karl! Come here buddy!”

Mabilis naman na lumapit sa amin ang cute na cute na bata, Karl pala ang pangalan nya. “This is Karl, my nephew.”

Hinawakan ko sa pisngi si Karl. “Hello pogi!”

Ngumiti naman sya. “Thank you po tita Ganda.”

Natawa ako. “Tita Ganda? I’m tita Rona.”

Lumingon si Karl kay Kavs. “Tito, sino po si tita Ganda? Yung lagi mo po kinekwento sakin. yung angel mo.”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon