Love, Xander
Tahimik kaming dalawa ni Xander sa loob ng sasakyan nya. Halfday lang ngayon dahil may meeting ang mga faculty para siguro sa nalalapit na graduation.
“Galit ka ba sakin?”
Oo. Kasi simula nung nagkomprontahan kami tungkol sa chocolate. Hindi na ako kinausap ni Luigi. Nakakainis. Alam ko may sinabi sya kay Luigi. Kaya naiinis ako sa kanya.
“Anong ginawa mo kay Luigi?”
Nilingon nya ako. Nakasandal sya at nakahawak sa manibela. “Bakit, nagsumbong sya sayo?”
Naiinis na nilingon ko sya. “Kung nagsumbong sya sa tingin mo tatanungin kita?”
“Wala akong ginawa sa kanya.”
Tumingin ako sa labas ng bintana. “Ihatid mo na ako sa bahay.”
Hindi sya nagsalita o kumilos man. Narinig kong nag ring ang phone ko. si Kavs ang tumatawag. Wala ako sa mood makipag-usap kaya hindi ko sinagot. Pagtapos nun ay yung kay Xander naman ang tumunog. Hindi rin nya sinagot. Nag beep ang phone ko. Nagtext si Roselle at binasa ko na sumunod daw kami sa bahay nila Kavs. Movie marathon daw. Hindi pa ako nakakapunta kila Kavs, pero wala ako sa mood na magpunta ngayon. Kaya hindi ako nagreply kay Roselle.
“Did you really like him that much?” biglang tanong ni Xander.
Hindi ako sumagot. Hindi ko naman gusto si Luigi.
Bumuntong hininga sya. “You want to date him?”
Mariin na pumikit ako. Naiinis na ako sa kanya. Sige nga, paano ko idedate si Luigi? Eh sya nga ang mahal ko.
“I know he’s a nice guy. I will ask him to date you.”
Marahas na nilingon ko sya. “Pwede ba Xander. Tumigil ka na. Saka anong karapatan mo na mamili ng taong gugustuhin ko? Ipipilit mo sakin ang taong ayaw ko pero inilalayo mo naman sakin ang taong gusto ko.”
Hindi sya nakapagsalita. Inistart nya ang sasakyan. Tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana.
Inihatid na nya ako sa apartment. Hindi pa ako makababa kasi nakalock ang pintuan ng kotse. Nung sasabihin ko ng i-unlock na nya. Nagring naman ang phone nya.
Hindi ako nagsalita ng sinagot nya yun. “Hello. Sam?”
Pasimpleng nilingon ko sya. “Ha. Ah. Bakit?”
“What? Okay. I’ll be there.” Yun lang at pinatay na nya ang tawag. Magkikita sila nung malanding Sam? Parang gusto ko atang mangalmot ng mga taong makakasalubong ko ah.
Lumabas sya ng kotse. Bago pa nya ako mapagbuksan ng pinto ay inunahan ko na sya.
“So, you have date? With Sam?” tanong ko.
Bumintong hininga sya. “No, it’s not a date. Nasa condo ko sya.”
Tumaas ang kilay ko. “So, you can bring girls there while I can’t bring boys here? Great!” naglakad na ako.
Humabol sya. “It’s not what you think. Wala pa akong dinadalang ibang babae sa condo.”
Nilingon ko sya. “So sya palang?” Binuksan ko nag pintuan ko. “Sige na. Umalis ka na. Baka mainip pa sya sa condo mo.”
Yun lang at sinara ko na ang pinto. Pagkasara ko ay sumandal ako doon.
Di ko namalayan na may luha na palang naglandas sa pisngi ko. How can I love him? Naglilihim sya sakin. And he’s a playboy! Simula pa lang alam ko na yun pero bakit nagkagusto pa rin ako sa kanya? Dapat ko na bang itigil tong nararamdaman ko?
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama ko.
Si Samantha ba yung babaeng gusto nya? Iniisip ko pa lang sumisikip na ang dibdib ko. Naalala ko lahat ng mga naging babae nya. Lahat yun, malayo sa ugali ko. Ibig sabihin, hindi ganitong ugali ang gusto nya. So wala na nga akong pag-asa pa. pumikit ako. hahayaan ko na lang ang nararamdaman ko. Pasasaan ba at mawawala rin to. Sana.
Pagdilat ko, madilim na sa labas ng bintana. Nakatulog pala ako. bumaling ako sa kabilang side ng kama ako at may nakita akong isang white rose na may note. Napakunot ang noo ko. kinuha ko yun at binasa.
Sorry about today. Promise, I’ll make it up to you. See you tom.
Love, Xander
Bumuntong hininga ako. I smelled the rose. It smells like him. Guess, kahit gaano ako kagalit sa kanya. Wala pa rin akong magagawa kung hindi patawarin sya.
Authors note: Hanggang dito muna ako sa ngayon. :)
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...