CHAPTER 42

81 1 0
                                    

Truth or dare

 

Kaninang umaga nilibot namin yung resort. Yung kalahating part pala nito ay nirerenovate pa. Malaki ang resort ni Virg at napakaganda. Parang kulang nga ang term na’resort’ eh. Kasi parang pag-aari na nya ang hindi naman kalakihang island dito sa Batangas.

Nung hapon na, nag swimming kami. At nung nag gabi, gumawa kami ng bon fire.

Pinalibutan naming anim yung bonfire at nag ihaw kami ng marshmallow..

Seating arrangement paikot. From left to right.

Ako-Luigi-Roselle-Rm-Kae-Virg.

“Nakakamiss yung ganito no!” Sabi ko. “Parang nung college days lang kapag magkakasama tayo.” Malungkot na ngumiti ako.

“Oo nga. Kaso kulang na tayo.” Sagot naman ni Roselle.

Nakakahinayang din kahit papaano. Si Roselle, nasa mukha nya ang panghihinayang at pagsisisi. Hindi ko alam ang buong storya kung bakit sila nagkahiwalay ni Kavs. Ang lagi lang nyang sinasabi ay sya daw ang nanakit kay Kavs. Sila din, hindi nila alam ang eksaktong nangyari sa amin ni Xander. Seems like ayaw na lang talaga naming pag-usapan pa.

“Hoy! Bawal ang emo dito! Nilulunod!” sabi naman ni Luigi.

“Heh!” sabay na sabi namin nila Roselle.

“Palibhasa ikaw nakasama mo si Rona ng matagal kaya hindi ka nalulungkot.” Dugtong pa ni Roselle.

 

Pagkasabi ni Roselle nun, napatingin si Kae sa akin. Tapos kay Luigi. Napaisip ako kung anong meron? Kilala ba ni Luigi si Kae?

Hindi ko na lang muna pinansin ang naiisip ko. Mission namin si Rm at Virg ngayon.

Pamayamaya pa, nag suggest si Kae na mag-spin the bottle na lang daw kami. Mukhang masaya naman ang ideya nya kaya sumang-ayon na kaming lahat.

“Okay. Kung sino ang nag spin, sya ang magpapapili kung truth or dare. Ang matuturo ang syang sususnod na mag i-spin. Okay ba yun?” sabi nya.

“Okay.” Chorus na sagot namin.

Inikot na nya yung bote. Sa akin natapat.

 

“Truth or dare?” tanong ni Kae.

Nag isip si ako. “Truth.”

Nagisip din si Kae ng pwedeng itanong. “Kapag nagkita uli kayo ng dati mong minahal. Anong gagawin mo?”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon