CHAPTER 11

120 2 0
                                    

Manong Masungit

 

Past 1 na natapos ang birthday celeb ko. Pinatulog ko na sila Rm sa kwarto ko. sa kwarto naman ako ni mama matutulog. Sa isang kwarto naman sila Xander at ang mga kabanda nya. Aalis din naman kasi sila bukas.

Nagpaalam na si Mama sakin na matutulog na sya, napagod din kasi sya. Ako naman, nag-aayos pa ng ilang gamit sa kusina.

“Bat di ka pa natutulog?”

Lumingon ako sa nagsalitang si Luigi. At ngumiti sa kanya. “Nag-aayos pa ko dito. Di ka ba makatulog?” Wala kasing kama yung kwarto nila kaya naglatag lang sila ng comforter.

“Di pa ako inaantok.” Lumapit sya sakin at tinulunagn akong linisin ang lamesa.

“Anong oras pala ang alis nyo bukas?” Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit dati, naiilang ako sa kanya. Siguro nga talagang nagka-crush ako sa kanya? Naging close ko na rin sya. At sobrang bait nya. Yun nga lang, ayoko na kasi malagas ang Blue Jeans dahil sakin. Kaya ayun, maybe it would be better kung kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya.

“Siguro before lunch na. Ano palang gusto mong pasalubong?” Sa Pangasinan kasi ang probinsya nya.

Nag-isip ako. “Gusto ko ng daing na bangus! At saka puto ng Pangasinan.”

Natawa sya ng mahina. “Mabibili naman yan dito eh, pero sige. Ano pa? Yan lang ba?” Pumunta sya sa lababo at inilagay ang ilang hugasin doon.

“Sige, buhangin mula sa San Fabian beach.”

“Ilang sako?” Biro nya.

“Isang elf.” Pagsakay ko naman.

Tumawa sya. Lumapit sya sakin at bigla nyang hinawakan ang buhok ko at inipon nya sa likod. Nagulat ako kasi parang nakayakap na sya sakin. Itinali nya ang buhok ko sa likod. Di ko alam saan galing yung panali na yun at bigla na lang nya nailabas.

“Di ko maintindihan kung bakit laging nakasabog ang buhok mo sa mukha mo. Wag mong takpan ang ganda mo.” Ngumiti sya at tumalikod sakin. Humarap sya sa lababo at nagsimula ng maghugas ng plato.

Hinawakan ko ang tali sa buhok ko at napangiti ako. Tumabi ako sa kanya. “Ito na ba yung regalo mo sakin? Bakit naman ito naisip mo?”

“Sabog lagi ang buhok mo eh, wala ka bang pambili ng panali?”

Natawa ako at kinuha ang mga plato na nasabunan na nya at binanlawan. “Bakit wala ka pang girlfriend?” Biglang tanong ko. Kasi he knows a lot of things about girls pero wala pa akong nakikita na idininedate nya.

He just shrugged.

Kumunot ang noo ko. “Pero na in-love ka naman na siguro ano?”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon