CHAPTER 24

91 2 0
                                    

No date?

 

“Go Kavs!!!” Narinig kong sigaw ni Roselle. Nasa loob kami ng gym at nanonood ng basketball game nila Kavs at Xander. Engineering ang course ni Kavs kaya kalaban nya si Xander na taga BA department naman. Si Luigi hindi kasali sa basketball. Hindi ko rin sya nakikta sa gym.

“Really, Roselle? What did he do to you to cheer for him like that? You even made a placard!!” Di makapaniwalang bulalas ko kay Roselle. May hawak pa syang placard at halos mapaos na sya sa kakasigaw. This is so unusual of her. Sabagay, simula nung maging sila ni Kavs, nag-iba na sya. I mean, she became transparent. I don’t know, naging expressive na din sya. Ganyan ba pag nagmamahal?

Kavs, make me proud. Beat them up! (with kiss sign)

Yan ang nakasulat sa placard nya.

Inirapan nya ako.

“Hindi ka naman ganyan dati. Ang clingy mo na. Masyado ka ng expressive sa feeelings mo. higit sa lahat, ang cheesy mo na!” Dugtong ko. Yes. Idadagdag ko ang pagiging corny nya.

Ngumiti sya sakin. “Maiintindihann mo lang ako kapag naramdaman mo na yung nararamdaman ko ngayon.”

Well, siguro kaya ko sya inaasar kasi lahat ng nangyayari sa kanya ay nangyayari din sakin? I’m inlove with Xander. Yes. I already figured it out. But I’m still scared to admit it. I don’t know why.

Bumuntong hininga ako. At may kinuha sa gilid ko, placard din. I also made one. Nahihiya lang akong ilabas. But since, naglabas na si Roselle. Ako na din. Madami namang student ang may hawak ng kanya kanyang placard.

LOSING THE GAME OR DATE WITH ME? YOU CHOOSE!

 

Yan ang nakasulat sa placard ko. Remember the time when he asked me out on a date again? Sabi ko dapat  manalo ang team nila sa basketball game bago kami magdate. Sinabi ko yun nung pauwi na kami. And he accepted my challenge.  

Ngumisi si Roselle sakin. Hindi ko sya nilingon. Parang gusto ko ng itago ang placard ko. Nakakahiya!

Nung itatago ko na yung placard ko sakto namang lumingon si Xander kaya naman nabasa na nya, tapos ngumisi sya sakin. Biglang uminit ang pisngi ko. Sheez. Wag ka ng ngumiti bespren. Inlove na inlove na ako sayo.

Hawak ng team ni Kavs yung bola. Tumayo ulit si Roselle at sumigaw. “Go Kavs!!!” Grabe ang sigaw ni Roselle ha? Parang fan girl na fan girl ang dating. Nailing na lang ako at nanood na ulit. Nakababa na ang placard ko. Nabasa naman na ni Xander eh.

Nakita ko na hawak na ngayon ni Xander ang bola. Kinakabahan ako, natambakan na kasi sila ng Engineering team. Ayaw ko syang matalo. Gusto ko ng date!!!

Isu-shoot na ni Xander yung bola ng may dumamba sa kanya. Naging dahilan yun para mapahiga sya sa sahig ng gym. Nakita ko na hawak nya ang braso nya.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon