CHAPTER 2

138 2 0
                                    

 

Seatmate

 

Late ako pumasok ngayon, kasi late din ako nagising. Bakit? Bawal ba malate minsan? Late din naman yung teacher ko sa Filipino.

 

Umupo ako sa bandang likod. Ayaw ko kasi sa harap. Maaarte kasi mga katabi ko dun. Atleast dito bakante pa yung katabi kong upuan.

 

Oo nga pala. Ang dami ko ng intro di pa ako nagpapakilala. Ako si Rona. Grade 6 student. Wala pa akong kaibigan sa school dahil kakalipat ko lang nung pasukan. Galing ako ng Public at nalipat dito sa private. Bakit? Nag-apply ako ng scholarship. Pinalad naman. Dito ko rin kasi gustong mag highschool. Wala akong kaibigan kasi lahat ng kaklase ko puro maaarte. Yung mga lalaki naman, puro bully. Typical private school student.

 

Saktong pagkaupo ko dumating na si Miss Tapia, yung Fili Teacher namin.

 

“Magandang umaga.”

 

“Magandang umaga din Ginang Tapia.” Sabay sabay naming sabi. Nanonosebleed ako sa subject na to. Masyadong matalinghaga. Lakas makadugo ng ilong.

 

“Oo nga pala. May bago kayong kaklase.” Ibinaba nya yung gamit nya sa lamesa at may sinenyasan nya ang bagong estudyante na pumasok.

 

Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung batang may ari ng wild na aso. Bakit nandito yan?

 

Tumayo sya sa harap. “Bagong lipat lang nya dito. Galing sya ng America.” Pagpapakilala ni ma’am. “Iho, magpakilala ka sa kanila.”

 

Ngumiti yung lalaki kay ma’am. Yung mga babae naman sa harapan mukhang maiihi na ewan sa kilig. Kebabata eh! Aral muna uy!

 

“Goodmorning. I’m Alexander Hernandez. You can call me Alex or Xander, Nice meeting you all. Please be good to me.” Nakangiting sabi nya. Hernandez? Kanila ba yung mansion na pinapantasya ko? Saka.  F... the accent! Bakit ang sarap pakinggan ng accent nya? Saan nya ba pinulot yun? Baka pwede papulot din ako?

 

Ngiting ngiti lahat ng babae kong kaklase. Mukhang pati sila eh namangha kay English boy. Well. Xander pala yung pangalan nya. Si Ma’am Tapia din yung ngitian kala mo mapupunit na yung pisngi eh. Magkacrush daw ba sa bata? Eh parang anak na nya yun eh.

 

At saka wait? English yung mga sinabi nya! Bakit hindi sya pinapagalitan? Waaa! Ang unfair ng mundo. Kapag kami, isang English, isang parusa. Daya!

 

“Okay Mr. Hernandez. You can seat now. Occupy the seat beside Ms. Candelaria.” Itinuro ako ni ma’am. What? Beside me? No!!! Ano ba yan. Napapa-english tuloy ako bigla.

 

Papalapit na sya sa akin. Bwiset. Hindi sya pwedeng tumabi sa akin. Ayoko. Galit ako sa kanya.

 

Utak:Eh bakit? Sayo ba yang upuan?  Nabili mo na ba?

Ako:Hindi! Eh bakit? Bawal ba mamili ng katabi?

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon