CHAPTER 30

100 1 0
                                    

*****A/N: dear readers, sorry kung natagalan ako mag-update. Namundok kasi ako. haha. pero babawi ako sa inyo. marami raming chapters ia-update ko. be patient guys! salamat sa matyagang paghihintay sa update! o sige. exit na ko. :D

Surrender my heart to you

“Anong drama nyo ni Kavs? LQ? Tanong ko kay Roselle habang kumakain kami ng snack sa canteen. 1 hour vacant before ng huling klase namin. Napansin ko kasi na dalawang araw na silang hindi nag-uusap. Madalang ko ring makita si Kavs sa school.

Bumuntong hininga sya. Si Xander naman, tahimik lang na nag gigitara sa tabi namin. Gamit nya yung gitarang niregalo ko. Napangiti ako. back to normal na kami ulit. Nagpapakabait na sya eh. pero ano kayang nangyari sa date nila nung Samantha na yun? Saka diba, sila na ni Dave? Bakit dumidikit pa sya kay Xander? Ay, bat pa nga ba ako nagtanong? Alam na.

“Hala! Mag-usap nga kayo. Para kayong mga sira.” Sabi ko ulit kay Roselle.

“Galit sya sakin eh.”

Lumaki yung mata ko. “Si Kavs? Nagalit sayo? Woah! Nakakapagtaka ha.”

Si Xander naman, biglang huminto sa pag gigitara at may isinulat sa sticker note ko. sinilip ko yun. Address yun sa Ayala.

“Building nila Kavs. 17th floor yung office nya.”

Mabilis naman na tumayo si Roselle. Anak nang! Baka madapa sya. Haha.

 “Hoy! Bakit nakaupo ka dyan? Ihatid natin sya! Sayang naman yung gwapo mong kotse kung hindi magagamit.” Mahabang sabi ko naman kay Xander. Umiling sakin si Xander at mabilis naman na tumayoo at dumiretso kami sa sasakyan nya. Mabilis na pumunta din kami sa main gate ng school. Papalabas na si Roselle.

 “Hop in.”

Sumakay naman agad si Roselle.

“Wala din sense na ibinigay ko yung address nila. Ihahatid din pala natin sya.” Natatawang sabi ni Xander.

Sinapak ko sya sa braso. “Ang dami mong reklamo sa buhay. Magdrive ka na lang.”

Sandali lang ang byahe namin kasi malapit lang naman. Mabilis na bumaba si Roselle sa sasakyan at dumiretso na sa building.

 “Goodluck bestbi!” Sigaw ko sa kanya. Tumango lang sya sakin.

Ang pag-ibig nga naman oh! Hahamakin ang lahat. Haha! Kahit umabsent sa school.

Nilingon ko si Xander. Ngumisi sya sakin. Umiling naman ako. Sige lang. Ngumisi ka pa at nang mainlove ako lalo sayo. Ikaw rin. Baka magsisi ka.

Napansin ko na hindi pabalik sa school ang daan tinatahak namin. Ilang minuto na lang magsisimula na ang last period class namin. “Hoy. May pasok pa tayo.”

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon