He’s inlove
“Hoy babae!” Sigaw sakin ni Roselle pagkatapos kong kausapin si Rm
“Maka hoy ka naman dyan!” Natatawang sabi ko sa kanya.
Tumawa din sya at inabot sa akin yung regalo nya. Binukasan ko. “Wow!” Bigkas ko ng makita ko yung laman. It was a book of my Favorite writer
Niyakap ko sya. “Thank you!” Grabe. Ang thoughtful ng friends ko!
“May bayad yan.” Pagbibiro nya.
“Che!” Natatawang sagot ko naman.
Habang nag-uusap kami biglang lumapit samin si Xander. Hindi na sila tumutugtog. May pumapailanlang na lang na kanta. Narinig ko yung Crazier ni Taylor Swift.
“Birthday girl, sayaw tayo!” sabi ni Xander sa akin.
Lumingon ako kay Roselle, tumango naman sya. “Go lang.” Yun lang at pumunta na kami sa dance floor..
I was trying to fly but I couldn’t find wings..
Cause you came along and you changed everything.
Kumapit ako sa balikat ni Xander at sya naman ay sa bewang ko.
“Happy birthday bespren.” Wide smile na pagbati nya sakin.
Ngumiti ako. “Salamat!”
“Binata ka na.” Sumimangot ako at tumawa naman sya. “Pero hindi pa rin kita papayagang manligaw.”
Hinampas ko sya sa dibdib. “Di mo na ako mapipigilan. Si mama nga pinyagan na ako.”
“Ako pa rin ang masusunod.” Tumatawang sabi nya..
Umirap na lang ako sa kawalan.
Bigla syang may dinukot sa bulsa nya. Isang maliit na box. Huminto kami sa pagsasayaw.
Inilabas nya sa box ang isang kwintas. It has an infinity pendant. Tinignan ko sya. Ngumiti naman sya sa akin. Kapag ngumingiti sya, parang may sumusundot sa puso ko. Hindi ko maintindihan.
Ipinatong nya sa balikat ko ang mga braso nya at isinuot sa akin ang kwintas. Ang ganda! Ngayon lang nya ako binigyan ng kwintas. Dati kasi bracelet. Na suot ko naman ngayon.
“Ang ganda! Thank you!” Niyakap ko sya.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...