CHAPTER 9

128 2 0
                                    

 

Lasing

 

"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"

 

Sabay sabay na pagkanta ng mga kaibigan at bisita ko. Pumalakpak sila pagkatapos at ako naman ay hinipan ang birthday cake ko. Yes! I’m 18 now. Dalaga na akong tunay! Haha.

 

Pagkatapos kong hipan ang birthday candles ko ay nilingon ko ang mga kaibigan ko na masayang nakangiti samin. Si Rm naman, medyo napansin ko na pre-occupied sya. Nag-away kaya sila ng boyfriend nyang si Paul? Yap. Tama ang nabasa mo. Boyfriend na nya si Paul, sad to say.

 

Nilingon ko si Roselle. Medyo napansin ko na nakasimangot sya kay Kavs.

 

Si Kavs ang bagong guitarist ng Blue Jeans. Nung 2nd year kami ay bigla na lang nagquit si Dave sa banda at lumipat na din sya ng school.

 

Medyo guilty ako. Cause I know it’s because of me.

 

Hindi namin inexpect ang pagtanggap ng mga taga SAU sa bandang Blue Jeans. Ilang bwan lang ang dami ng babae sa school ang nahumaling sa kanila. Kahit outside the school. Nag gigig din kasi sila sa iba’t ibang bar.

 

At ayun nga, one day Dave asked me out on a date. Alam ko naman na hindi ako papayagan ni Xander. Kaya patago akong nakipagdate sa kanya.

 

Naulit yun ng naulit. Okay naman sya. Madaldal. Mahilig magpatawa. Medyo nagustuhan ko sya dahil dun. But I didn’t know that he was a big jerk.

 

Nakita ko syang nakikipaglandian sa isang babae. At sa iba pa. Alam ko wala akong karapatan na magalit kasi nagdedate lang naman kami. Pero nainsulto ako. Kaya after nun hindi ko na sya kinausap. Nagtaka sya. Pero ano pang sense diba? Isa syang makating lalaki. Ang dami pala namin na dinedate nya. Grabe. Di ko matanggap na inihilera nya ako sa mga higad na yun.

 

Kaya isang araw, kinorner nya ako nung papasok ako sa Music Club. Nag-usap kami sa labas sa likod ng room. Sinabi ko na ayaw ko na nga makipagdate sa kanya kasi nga jerk sya. He got mad at hinawakan nya ako sa braso. Dun naman dumating si Xander na galit na galit. Biglang sinuntok si Dave.

 

Pagkatapos nun, ako naman ang binalingan nya. Isang malamig na “Follow me.” ang narinig ko sa kanya. At sinundan ko sya sa parking lot. Lumingon ako habang naglalakad. Nakita ko sila Luigi na tinitulungan si Dave na bumangon.

 

“Seriously? I told you diba? Bakit nakipagdate ka pa rin sa gago na yun?” Galit na tanong nya pagkarating namin sa kotse nya.

 

Yumuko ako. I’m guilty. “Sorry.” Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

 

“Wala na ba akong halaga sayo at naglilihim ka na sakin?” May hinanakit na tanong nya.

 

Lumunok ako. “Alam ko kasi na hindi ka papayag.” Ang sikip sa dibdib. Ito ang unang beses na naglihim ako sa kanya.

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon