Offer
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tinatamad na kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako.
“Goodmorning, Girlfriend.” Malambing na pagbati sakin ni Xander.
“Girlfriend ka dyan! Wag ka assuming manong.” Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya. Nakangiting tumihaya ako at yumakap sa unan ko. Dalawang araw na ang nakalipas nung huling nagtapat sya sa akin. Pero fresh na fresh pa din ang lahat sa akin.
Sunday ngayon. Wala kaming planong gala ni Xander.
“Nakakainis. I will not be able to see you today.” Malungkot na sabi nya.
Kumunot ang noo ko. “Why not?”
“I have to see someone.”
Pagkarinig ko sa someone, agad na nabuhay ang selos sa dibdib ko.
“Someone?” Tanong ko.
“It’s not what you think. Basta. You’ll meet her soon.”
“Her?” Tanong ko ulit.
He laughed softly. “You sounded jealous.”
Umirap ako kahit hindi naman nya nakikita. “Okay. Ingat ka na lang.” Yun lang ang sinabi ko.
“I’ll see you soon. I love you.” Then he hung up.
Nakangiting sumubsob ako sa unan ko. Ibang level na talaga to!!!
Kinahapunan, nag ring ulit ang cellphone ko. Nanonood lang ako ng TV. Nagmamadaling kinuha ko ang cellphone ko sa center table at hindi na tinignan kung sino ang caller.
“Namiss mo ko agad, bespren?” Bungad ko sa kanya.
“Hello?” Sagot ng babae sa kabilang linya. Inalis ko ang cellphone ko sa tenga at tinignan kung sino ang caller. Unregistered number.
“Hello? Is this Rona?” Tanong nya ulit.
“Yes. Ahm, sino to?”
“Ebony.”
Kumunot ang noo ko. Ebony? Her names sounds familiar. Di ko lang maalala kung saan ko narinig.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...