CHAPTER 45

67 0 0
                                    

(A/N: Sorry Fruends kung ngayon lang ako nakapag-update after 100 years. Haha! Mejj busy ang lola nyo. Patawarin nyo na ako. haha! O sya, ito na… simulan nyo na ang pagbabasa.  ^_^)

 

“Hello?” Inaantok na sagot ko sa tumawag sa cellphone ko.

“It’s already  Four thirty in the morning, nakahiga ka pa?” I heard Luigi’s Voice on the line. Sya pala ang tumawag. Basta ko na lang kasi kinuha at sinagot ang cellphone ko.

I opened my one eye. Tinignan ko sandali ang oras sa cellphone ko.“Yun na nga eh, 4:30 palang nambubulabog ka na.” Paos pa ang boses na sagot ko.

 

“Nandito ako sa tapat ng bahay mo. Inform lang kita ha, ngayon kasi ang alis natin papunta ng Baler.” Medyo sarcastic ang boses nya. Saka Baler? Anong gagawin namin ng ganito kaaga sa Baler?

Utak: Rona, ngayon po kasi kayo pupunta sa Baler para sa Interview ni Xander your Ex……..Bestfriend.

Napabangon ako bigla. “Sheeez! Bakit hindi mo sinabi agad?”Sermon ko kay Luigi. Buti pa yung utak ko niremind ako. Hehe.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Luigi. “At ako pa ang nasisi ngayon.”

“Wait lang.” sabi ko at ibinaba na ang tawag. Lumabas ako ng kwarto , pumunta sa main door at pinagbuksan sya ng pinto.

Hindi na ako nagulat ng makita ko si Luigi. Ang gwapo nya talaga. He’s wearing Maong shorts, Grey V-Neck shirt and sneaker. Fresh na fresh, ako may panis na laway pa ata sa pisngi.

Pumasok sya at itinulak ako pabalik sa kwarto hanggang sa banyo. “Bilisan mong maligo, kasi may naghihitay.”

Tinatamad na hinarap ko sya. “Ikaw lang naman maghihintay eh, okay lang magmuni muni muna?” Tawad ko. Nakakatamad talaga maligo ng ganito kaaga. Ang lamig ng tubig. Nakakatamad naman magpakulo ng tubig. Grrr. Dapat pala palagyan ko na ng heater ang shower ko. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip? Sabagay, ngayon lang naman ako maliligo ng ganito kaaga.

“Okay lang naman. Kaso, hindi lang ako ang maghihintay eh.” Sagot nya sakin at umupo sa kama ko. At home na at home sa bahay ko.

Kumunot ang noo ko. “Kasama ba natin si Miss Erine?”

Umiling sya. “Mr. Kanata and Xander is waiting on us outside.”

Nanlaki ang mga mata ko. “What? Bakit pa? Di na lang sila nauna?” OA na tanong ko. Saka oo nga, ako ba ang singer at bakit ako pa ang hihintayin nila? VIP ang peg?

 

“Nag-offer silang isabay na tayo. Sira ang sasakyan ko eh.” Nahihiyang ngumiti sya sakin.

Umiling na lang ako at pumasok na sa banyo. “Sige na, bibilisan ko ng kumilos. Lumayas ka na sa kwarto ko.” sigaw ko muka sa kwarto. Narinig ko pang tumawa sya at ang pagsara ng pinto. Habang naliligo, nakita ko sa cabinet yung kwintas na bigay sakin ni Xander nung debut ko. Wala sa sarili na kinuha ko yun paglabas ko ng banyo at inilagay sa lagayan ko ng alahas na lagi kong dala kahit saan ako magpunta. Di ko din alam kung bakit ko pa nga ba kinuha to. Itatapon ko na lang to sa dagat ng Baler. Ay. Sayang… ibenta ko na lang kaya? Sulit.com? haha! Sangla kaya? Hmm. Pwede.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon