CHAPTER 7

108 2 0
                                    

Over Protective

 

 

Start na ng 2nd trimester namin! Ang bilis! Sabagay, tri sem kasi kami kaya mabilis lang.

 

Nandito kami ngayon sa canteen at naglalanch.

 

Si Xander, Si Rm, Si Luigi, ako at si Roselle.

 

“Pare, ano? Buuin na kasi natin!” Sabi ulit ni Luigi.

 

Bumuntong hininga si Xander. “Kayo na lang pre.”

 

They are talking about creating their own band. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Xander sumali. Sya ang kinukuhang Vocalist.

 

“Ang KJ mo Xander. Sali na okay!” Singit ko.

 

“Ikaw,” Baling nya sakin. “Ang hilig mo talagang ipilit ang mga ayaw ko.” Nakasimangot sya.

 

“Hindi ko naman ipipilit sayo ang ayaw mo. I can feel it Xander. Gusto mo talagang sumali. Kilala kita.”

 

“Then why are you holding back?” Tanong naman ni Roselle.

 

Si Rm naman busy sa cellphone. May katext. Siguro yung manliligaw nyang si Paul. Yung nakalaban nya ng dance contest sa kabilang university. Sa totoo lang. Mabigat ang dugo ko sa Paul na yun. Mukhang chickboy.

 

“I’m not holding back.” Simpleng sagot lang ni Xander. Hindi ko din alam kung bakit nga ba ayaw nya.

 

“Edi sumali ka na.” Sabi ko ulit.

 

Ayoko sa pangalan ng banda nila.”

 

“Magiging banda natin pare.” Pagcocorect ni Luigi.

 

“Ano bang pangalan?” Tanong ko naman.

 

“Kick-Ass” Sagot ni Luigi.

 

We all laughed. Except kay Luigi at Xander.

 

“Maski ako ayaw ko yan.” Natatawang sabi ni Rm. Ayun, nasa mundo na ulit namin sya.

 

“Pwede pa namang palitan.” Kibit balikat na sagot ni Luigi.

 

“Make it Blue Jeans then. And I’m in.” Biglang sabi ni Xander.

 

Ngumisi si Luigi. “Deal. Practice after school.”

 

After class ng 4 pm, dumiretso kami ni Xander sa Music Club room.

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon