CHAPTER 21

102 2 0
                                    

Almost

Masayang nag-uusap pa rin kami ni Luigi ng tuumunog ang cellphone ko. Alas singco na nang hapon. Masyado na pala kaming nag enjoy sa kentuhan.

“Excuse me lang ha?” Paalam ko kay Luigi. Tumango lang sya.

Pumunta naman ako sa kusina para sagutin yung tawag ni Xander. “Hello?” Excited na sagot ko.

 

“Hello, ah, si Rona ba to?” Napakunot noo ako. Tinignan ko yung phone ko. Si Xander ang caller. Pero bakit iba ang sumagot?

 

“Oo, ah. Sino to?”

“I’m Daniel. Kaibigan ni Xander sa Skate Boarding.”

Bigla akong kinabahan. “B-bakit? May nangyari ba sa kanya?”

“Nagkaroon kasi ng maliit na aksidente habang ginaganap ang competiton, kaya lang ayaw nya kasi magpadala sa Hospital. Ang sabi nya tawagan ka na lang daw namin.”

“Maliit na aksidente lang ba talaga?” Kinabahan ako. “Saan na nga ba ulit yan? Pupunta ako.”

Sinabi nya sakin kung saan. Sa bandang Makati lang din pala. Pumasok ako ng sala na mangiyak ngiyak. Napatayo si Luigi. “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong nya sakin.

“Si.. si.. si Xander. Punatahan natin sya, please?”

Tumango naman si Luigi at dumiretso na kami sa kotse nya. Habang papunta kami kay Xander, hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Hindi ito ang unang beses na naaksidente sya sa hobby nya na pag i-skate board. Yung ibang aksidente maliit lang. Ang pinakamalala nya ay yung naospital sya dahil nabagok ang ulo nya. Mabuti na lang at hindi nabasag yung bungo nya dahil na rin siguro napakatigas ng ulo nya. Tapos, sa lahat ng aksidente nya kahit kelan hindi umuwi ang pamilya nya. Nagpapadala lang ng pera para sa pampaospital nya. Si Manang pa lagi ang kinakausap sa telepono. Simula nun hindi na ako sumasama kapag may competition sya. Kinakabahan kasi ako palagi. Tapos, ito. May ganito na naman insidente. Kelan ba sya matututo?

Mabilis lang ang byahe namin. Nasa gate na ako ng field kung saan ginaganap ang skate board competition nila. Nahiligan ni Xander ang pag-i-skate nung nag stay na kami dito sa Manila. At hindi ko ikinakatuwa ang hobby nya na to.

Pagbaba ko ng sasakyan, pinauwi ko na rin si Luigi kahit ayaw nya. May nakita akong lalaki na naghihinta sa gate. Sya siguro si Daniel. Nginitian ko sya.

Nakita ko yung field kung saan sila nag i-skate. May mga gumagawa pa ng tricks. Umiling ako.

Dinala ako ni Daniel sa maliit na kwarto. Parang opisina ata to.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Xander na nakahiga sa sofa. Nakatakip yung braso nya sa mukha nya. Lumingon ako sa kwarto. Mukhang opisina nga ito. Malamig sa loob dahil may aircon.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon