CHAPTER 37

76 2 0
                                    

 

Fooling myself

 

“Oh, nasaan ang mahal mong kwintas? Nawala mo rin?” Tanong ni Luigi sakin habang nag-aalmusal kami sa Jolibee. Oo, matanda na kami pero dito ko gusto eh. haha! Alam mo naman ako, kulang na lang pakasalan ko si Jolibee.

Kinagat ko muna ang peach mango pie ko bago sumagot. “Ibinaon ko na sa kailaliman ng mundo.”

Mahinang tumawa sya. “Wag mo ibabaon yang bracelet na bigay ko sayo ha?”

Tinignan ko ang wrist ko kung saan suot ko ang bracelet na binigay ni Luigi. May palawit sya na letters na RL. Binigay nya sakin to 2 years ago. Nung ngumawa ako kasi nawala ko yung bracelet na binigay sakin ni Xander dati. Nasa Japan kami that time. Kaya naman binigyan nya ako ng replacement. Bakit RL? Rona-Luigi daw. Pauso din sya eh. Kasi kami na daw ang mag bestfriend.

He replace the bracelet and so Xander’s position in my life..

 

“Wala naman akong dahilan para ibaon sa inner core ng mundo itong bracelet na bigay mo.” Ngumisi ako sa kanya.

Umiling na lang sya. “Bakit pala ganun ang reaksyon mo kay Samantha? Kilala mo ba sya?”

Tumango ako. “Medyo.”

Tumango tango sya. “Eh bakit parang inis na inis ka sa kanya?”

“Wala lang. Trip ko lang mainis sa kanya.”

Well, wala naman na akong dahilan para mainis kay Samantha. Pero ewan ko kung bakit umaabot sa boiling point ang dugo ko marinig ko pa lang ang pangalan nya.

 

“Wala ka pa bang plano makipagdate? Ang dami kong kaibigan na gusto kang idate.” Biglang change topic sya.

Sumimangot ako. “Wala na akong time sa lovelife. Saka bakit kaya hindi muna ikaw ang makipagdate?” tanong ko.

Nagkibit balikat lang sya. “Marami na akong dinate this past four years. Di pa ba yun sapat?”

Umiling ako. “Magseryoso ka na nga. Tatandang binata ka nyan, sige ka.”

 

“Tayo na lang kasi ang magdate? Malay mo magwork?” nakangisi sya sakin.

Binato ko sya ng butil ng buttered corn. “Di tayo talo!” tapos tumawa ako ng malakas.

“Oo pala. M.U pala ako sayo.”

Kumunot ang noo ko, na-slow ako ng kaunti. “Huh?”

“M.U. Mag-isang umiibig.” Nguminguyang sagot nya.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon