CHAPTER 35

79 1 0
                                    

Cancelled

“Hello? Ready na ba ang lahat ng gamit mo?” Tanong sakin ni Xander sa kabilang linya ng cellphone. Ngayong araw na to ang alis namin papunta sa Japan. Yes. Pupunta ako, with him. Pinayagan ako ni mama. I guess, malakas talaga ang convincing power ni Xander. Saka alam ko naman na tiwala si mama kay Xander.

 

“Almost done.” Masayang sagot ko sa kanya. Inilagay ko sa maleta ang ilang damit ko. Ngayon ko nararamdaman ang excitement!

Mamayang 8 pm pa ang flight namin, pero dapat 5 pm pa lang ay nasa airport na dahil magchecheck in pa. Kinakabahan ako, nagyon lang kasi ako makakasakay ng eroplano.

“Nakakainis si Ebony, ayaw pa nyang sunduin kita. Magkikita naman daw tayo.” Malungkot ang boses nya. Umupo ako sa kama.

“Tama naman sya. Saka hindi ka pa ba nagsasawa sakin?” tanong ko.

“Nah. I can look at you all day long. Kahit habang buhay pa.”

Kinilig naman ako sa sinabi nya. Nangako ako sa sarili ko na pagkababang pagkababa namin ng eroplano, aaminin ko na rin ang nararamdaman ko sa kanya.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng marinig kong may kumatok. Lumakad ako papunta dun. Pagbukas ko ay si Luigi ang nakita ko.

“Oh, Luigi? Napadaan ka?” tanong ko.

“Andyan si Luigi? Anong giinagawa nya dyan?” Narinig ko ang malakas na boses ni Xander sa kabilang linya. Hindi ko na lang sya pinansin.

Ngumiti naman si Luigi. “May ibibigay lang.”

“Pasok ka.” Niluwagan ko ang bukas ng pinto.

“Bakit mo pinapapasok si Luigi sa apartment mo? Paalisin mo na sya. Ngayon na.” Boses ulit ni Xander ang narinig ko, ang hard talaga nito.

 

“Tawagan na lang kita mamaya.” Yun lang at binabaan ko na sya. Ang bastos naman kasi na dalawa ang kausap ko diba? Di kaya ng bibig ko magmulti tasking.

Iniabot sakin ni Luigi ang isang paper bag. “Graduation gift.”

 

Kinuha ko at nakita kong winter gloves ang laman nun. “Wow! Ang ganda! Kaya lang, di ko naman magagamit satin to.” Ngumiti ako sa kanya.

“Balita ko, malamig daw sa Japan ngayon. You can use it there.”

Ibinalik ko sa paper bag. “Salamat. Gagamitin ko talaga to. Magpipicture ako tapos isesend ko sayo.” Nakangiting sagot ko.

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon