May Mali
“Ano ba balak mo iregalo sa kanya?” Tanong ko kay Rm. nandito kami sa mall para bumili ng ireregalo nya kay Virg. Malapit na kasi ang birthday nya.
“Kainis ka naman eh! Kaya nga kita sinama dito kasi hindi ko nga alam yung ireregalo ko.”
“Mas nakakainis ka! Ako itong walang boyfriend, ako pa niyaya mo na bilhan ng regalo yung boyfriend mo!” Reklamo ko sa kanya.
“Eh kasi diba nga ang tagal tagal nyo ng magbestfriend ni Xander? Edi madami kang alam sa mga gusto ng lalaki!”
“Bat naman kasi magboboyfriend ka eh wala ka naman pala alam tungkol sa gusto ngg lalaki. Ikaw may boyfriend kay Virg, dapat alam mo yung gusto nya. Magkaiba naman sila ng gusto ni Xander eh.” Mahabang litanya ko.
“Ikaw naman, ang dami mo na sinabi. Nagpapasama lang ako sayo para hingan ka ng suggestion. OA maka react.”
“Alam ko na!!!!” at hinila ko sya sa Astrovision.
Pumunta kami sa rack ng mga Cd’s. Kinuha ko ang lahat ng CD ng Simple plan. Inabot ko sa kanya. “Ayan ang iregalo mo!”
“Simple Plan album?” Nakakunot noong tanong nya.
Umirap ako sa kanya. “Wala ka nga palang alam sa mga ganyang tugtugan. Anyway, alam kong gusto nya yan. Kasi nung hindi pa kayo lagi ko sila kasama sa lahat. Alam ko na favorite band nya yan. At alam ko din na wala pa syang CD ng Simple Plan. Kasi lahat ng kanta nun nasa Cellphone na nya.” Paliwanag ko.
“Eh bat bibigyan ko pa sya nito kung may mga kanta na pala sya?”
Kinatok ko sya sa noo. “Kaloka ka! Yan nga ibigay mo para thoughtful na girlfriend lang ang peg mo. Maguguustuhan nya yan. Wag ka na mag inarte. BAyaran mo na yan.” Tinulak ko sya sa counter.
“Eh. Magtingin muna kAya tayo ng iba pang pwede ipangregalo?”
Nagpamewang ako. “Sige nga aber. Mag isip ka ng pwede? Damit? Madami na sya nun. Sapatos? Madami na din. Panyo? Medyo cheap naman. Drumset? Mahal yun, di mo afford, saka meron na sya nun. Oh? Ano pa? dali! Isip ka nga!”
Natameme sya. “Oo na.” tapos nagbayad na sya sa counter.
“Sinamahan kita, ilibre mo ko ng ice cream.” Sabi ko sa kanya pagkalabas namin sa Astrovision.
“Oo na! Sundae lang ha!”
“Ang kuripot mo! Samahan mo na ng fries!” reklamo ko. Hinila ko sya sa Mcdonalds.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...