CHAPTER 3

143 2 0
                                    

Pinky promise

 

KINABUKASAN ibinalik ko na kay ma’am yung mga papel. Lowest lang namin na score ay 4. Eh pang grade 1 naman kasi yung seatwork.

 

Sabi ni ma’am idistribute ko daw yung papel sa may ari since nairecord na nya.

 

Yung totoo ma’am? Palit na tayo pwesto. Ako na lang magtuturo at ikaw magcheck na papel. Pati pagbibigay ako pa? Sayang naman sweldo mo.

 

Pero syempre, joke lang yun. Gusto ko nga to eh. Magbigay ng papel. (sarcastic tone)

 

Nakakadala kasi lumapit sa mga classmate kong akala mo eh pag aari ang mundo.

 

Ibinaba ko sa mga lamesa nila yung papel nila. Yung mga babae umiirap pa sakin. Anong problema nyo? Punitin ko pa papel nyo eh.

 

Umalis na din si Ma’am.

 

Pumunta ako kay Englishero at ibinigay yung papel nya.

 

Nagulat sya. “Why it’s in you?”

 

“Ako ang nagcheck.”

 

Napaawang yung bibig nya. “So.. You.. saw… what … I.. wrote?”

 

Ngumiti ako sa kanya. “Yap! Thanks for the compliment.”

 

Biglang namula yung pisngi nya. Umalis na ako sa harap nya at pinuntahan yung ibang boys.

 

Pero dahil hindi mawawala ang mga bully sa mundo, may nangyaring hindi maganda.

 

May pumatid sa paa ko, dahilan para madapa ako.

 

Ang tawa ng mga kaklase ko. Akala mo wala ng bukas kung makatawa eh.

 

Pinulot ko yung mga papel. Nagulat ako ng may tumulong sakin. Si Xander.

 

“Ako na.” Sabi ko at inagaw yung ibang papel sa kamay nya.

 

“No, let me.”

 

Hinayaan ko na lang sya. Nung tatayo na ako bigla ako ulit napaupo. Shems. Na sprain ako. Ngayon ko lang naramdaman yung kirot. Demonyo talaga tong mga kaklase ko.

 

Inalalayan ako ni Xander tumayo. Inalis ko yung kamay nya. “Kaya ko. Okay na ako. Salamat.”

 

Parang nagdududa pa din sya kung totoo ngang kaya ko na. Ang totoo, hindi ko kaya. Pag ginalaw ko yung paa ko I’m sure, mapapasigaw ako sa sakit.

 

Ginalaw ko yung paa ko. Yun nga ang nagyari.

 

Dali daling lumapit sya ulit sakin. Itataboy ko sana sya ulit ng walang sabi sabing binuhat nya ako.

 

Yung buhat na parang sa prinsesa. Tumahimik bigla yung mga kaklase ko.

 

Hindi na ako nagreklamo. Seryoso kasi yung mukha nya.

 

Pumasok kami sa infirmary. Agad akong inasikaso nung nurse. Nasprain nga yung paa ko. Kumuha sya ng hot compress, ilalagay na nya sana sa paa ko ng inagaw ni Xander. “I’ll do it.”

 

Mukhang medyo hesitant pa si ateng nurse. Pero sa huli. “Okay Mr. Hernandez.”

 

Kilala sya ni Nurse? Kakalipat pa lang nya kahapon ah?

 

Tinignan ko sya. Umupo sya sa upuan sa tabi ng kama ko. Tapos ipinatong nya yung paa ko sa hita nya at marahang idinampi yung hot compress. Ang seryoso ng mukha nya.

 

“You should never allow them to do this to you.” Seryoso ang boses na sabi nya. Yumuko sya at nakatingin sa paa ko.

 

Yumuko ako. “Ganun talaga ang buhay. Minsan mas mabuting manahimik ka na lang kesa mas lumaki pa ang gulo.”

 

Bumuntong hininga sya. “Are they always like that?”

 

Nagkibit balikat ako. “Hmm, oo?? Kasi hindi naman ito nag first time na may ginawa sila sakin at sa iba pa.”

 

His jaw clenched. “From now on, I will not let anything like this to happen to you again. I’ll protect you.”

 

Hah? Ano daw? “Ano ba yang sinasabi mo? Di mo ko kailangan protektahan. Ni hindi nga kita kaibigan. Kaya ko ang sarili ko. Di mo na yun responsibilidad.”

 

“Can I just be your friend then? I mean like bestfriend?”

 

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

 

“So I can take responsibility on you.”

 

Umawang yung bibig ko at napadiretso ako ng upo. “Be-bestfriend?” Inaalok nya akong maging bestfriend sya? Okay lang ba na matuwa ako? Sya lang kasi ang magiging bestfriend ko sa school na to pag nagkataon.

 

Tumango sya. “But in one condition.”

 

Biglang bumagsak yung balikat ko. Bakit may condition pa?

 

Ngumiti sya. “It’s just simple. You just have to teach me how to speak in Tagalog.”

 

Ngumiti ako. “Yun lang pala eh! Sisiw!”

 

Kumunot yung noo nya. Oo nga pala.

 

“Sisiw means easy!” Okay. Unang tagalog mali na agad yung tinuro ko sa kanya. Kelan pa naging sisiw ang easy? Haha! Ipapaliwanag ko na lang sa kanya sa takdang panahon.

 

Ngumiti sya ng matamis at itinaas yung pinky finger nya. “Bestfriends?”

 

Itinaas ko din yung pinky finger ko. “Best friends.” And then we seal it with pinky promise.

 

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon