CHAPTER 14

102 2 0
                                    

Galit si Xander

 

Last day ko na ngayon sa part time ko. Sa wakas!!!

Pagbaba ko ng jeep biglang umulan. Ang malas. Wala akong payong na dala! Okay naman kasi yung panahon kanina. Ayun. Basing sisiw ako pagpasok ng office. Wala pa naman akong dalang extrang damit. Jacket lang.

Natuyo na tuloy yung damit ko sa katawan ko dahil sa lamig ng aircon sa office. Ang resulta, sumakit ang ulo ko pagkalabas.

Nagulat ako ng pagkalabas na pagkalabas ko ng building nasa tapat na agad yung sasakyan ni Luigi. Umuulan pa din.

Hindi ko na sya hinintay na pagbuksan ako ng pinto at tumakbo ako papasok sa loob ng kotse.

 

“Bakit di mo ako hinintay! Nabasa ka tuloy.” Sabi nya.

Pinagpag ko yung katawan ko. “Okay lang. Tara na.”

 

Umiling sya at inabutan ako ng face towel. Kinuha ko yung face towel at pinunasan yung basang parte ng katawan ko. Pagkatapos, niyakap ko yung sarili ko. Nilamig na naman ako sa aircon. Naku, di ako pwedeng lagnatin. Sa isang araw na yung birthday ni Xander.

 

“Are you cold?”

“Konti.”

Nakita ko na hininaan ni Luigi yung aircon. “Nagugutom ka ba?”

Umiling ako. “Inaantok na ko.” Mahinang sagot ko.

Hindi na sya nagsalita. Pagkababa ng sasakyan, nagpaalam agad ako.

“Salamat ha. Ingat ka sa pagdadrive.” Yun lang at pumasok na ko.

Nagpalit muna ako ng damit at pagkatapos tinignan ko yung cellphone ko.

26 missed calls.

18 messages.

From Xander!!! Hala!

Xander: Wala ka na naman sa apartment?

Xander: Nasaan ka?

Xander: Sagutin mo yung tawag ko!

Tapos may pasaload syang 100 pesos.

Xander: Nandito ako kila Eliz, wala ka dito.

Xander: Hindi ka pala dito nag-overnight last time! Saan ka nagpunta!?!

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon