CHAPTER 4

126 2 0
                                    

Goodmorning

 

“Bumangon ka na! Malelate na tayo sa Camping!” Sigaw ko sa tenga ni Xander. Bigla syang nagtalukbong ng kumot.

Tumayo ako at pinulot yung ibang damit nya na nagkalat sa sahig ng kwarto nya. 3rd year High School na kami pero burara pa rin sya.

Oo nga pala. Di kayo nagkamali ng pagbabasa. Nasa kwarto nya ako. Sa kwarto nya sa loob ng mansion. Tama nga ang hinala ko noon, sila nga ang may ari nito.

Kung dati sinusulyapan ko lang to sa labas, ngayon tambayan ko na. Kulang na lang dito na ako tumira eh. Pero hindi ko inaakala na ganito pala ang itsura nito sa loob.

Oo, elegante. Pero malungkot. Napaka lungkot.

Mag isa lang kasi si Xander sa napakalaki at napaka lungkot na bahay na to. Di pala mag-isa. May mga katulong pala.

Yung Mommy at Daddy nya parehong nasa Japan. Dun kasi yung business nila. Pero may bahay din sila sa America. Yaman no?

Kaso malungkot naman sya. Ikaw ba naman, lahat ng kamag-anak mo nasa ibang bansa ikaw lang ang nahiwalay. May kapatid syang babae eh. Kaedad ko lang din. Kaso nasa Japan, doon nag-aaral. Kung tutuusin dapat sa Japan din si Xander eh, ang kaso ayaw nya, pag tinatanong ko naman kung bakit ang sagot lang nya: “Ayoko. Mas malungkot dun.”

Eh ano kaya ang malungkot dun? Andun nga lahat ng kamag-anak nya. Shunga din eh.

Nilingon ko sya. At hindi pa din talaga sya natinag ha!

Talagang gusto mo yung masasaktan ka pa?

Inilagay ko muna sa laundry basket yung mga damit nya at bumwelo ako.

Tatakbo lang naman ako at tatalon patagilid sa kanya. Tignan natin kung hindi pa sya magising.

Nakakuha na ako ng bwelo at patakbo na ako sa kanya. Ng akmang tatalon na ako at babrasuhin sya, bigla syang tumihaya. Sinubukan kong magpreno pero huli na.

Naglanding na ako sa dibdib nya.

Dahil nagpreno ako, hindi mabigat ang pagkakabagsak ko. Magkatapat yung mga mukha namin.

Namumungay pa yung mga mata nya pero lintek, nakangisi sakin. Sinimangutan ko sya. Tatayo na sana ako ng bigla nya akong kinabig palapit sa kanya.

“Hoy, mokong ka. Bitawan mo ko. Kakagatin ko yang ilong mo!” yun kasi ang ginagawa ko sa kanya pag nangbubwisit sya.

 

Humiga sya ulit at pumikit. Hindi natakot sa banta ko? Pinilit kong tumayo, itinukod ko yung kamay ko sa dibdib nya. “Bitaw sabi eh. Kikilitiin kita.”

 

Ngumisi lang sya at mas kinabig pa ako. Actually, ang nangyari napahiga na din ako sa kama nya at nakayakap na sya sakin.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon