CHAPTER 40

78 1 0
                                    

Rm and Virg

NANDITO kami ngayon sa birthday celebration ng adopted sister ni Virg na si Kae. Yes, si Virg. Nasa pilipinas na pala sya. At nagkita sila ni Roselle. It was a long story. (basahin nyo na lang ang THIS LOVE IS OURS at saka MY SWEETEST WHATEVER. Hehe. Promote promote din mga kapatid :D) Nag-usap sila Roselle at Virg, at isinama kami ni Luigi, hindi namin ipinaalam kay Rm. We heard Virg’s side and we believe him. We are going to help him get near to Rm again, mahal pa naman kasi talaga nila ang isa’t isa so what’s the point pa diba? Kahit maging pakielamerang kaibigan kami ay okay lang. Para sumaya naman na itong kaibigan namin.

Kasama ko si Luigi pero saglit na humiwalay sya sakin sa party, ako naman ay hinahanap si Rm at Roselle, ang BitterSweet kasi ang kinuha nila Virg na magseserve ng cakes sa party.

“Hoy!” sigaw ko sa tenga ni Rm ng makita ko sya.

 

“Aray! Rona? Anong ginagawa mo dito?”

Ngumisi ako. “Malamang nakikiparty? Ang lagay ba eh ikaw lang ang pwedeng pumunta dito?”

Umirap sya. “Pilosopo. Nung niyayaya kitang samahan ako dito, ayaw mo.”

 

“Eh, isasabit mo lang naman ako eh. Gusto ko invited din ako.”

“Ang arte mo. Teka, close kayo ni Kae? Sya nag invite sayo?”

Ngumisi ako. “Hindi. Si Virg nag invite sakin.”

“Si Virg?”

 

“Yap. The one and only. Teka, nagkita na ba kayo? Naku bakla! Lalo syang gumwapo!!”

“So?” nakataas ang kilay na sagot nya.

“Ay. Bitter ang peg? Four years na te ha! Pwede din mag move on!”

“Wow. Nahiya naman ako sayo. Sabihin mo kaya yan sa sarili mo?” pang-aasar nya sakin.

Natigilan ako pero bigla ding ngumiti. Di ako pwedeng tablan sa pang-aasar nya. Ako lang dapat ang pwedeng mag-asar. Haha. Gagalingan kong wag maapektuhan sa pang-aasar nila. Saka dapat ko ng simulan ang mission ko: Ang mag move-on. Bumaling ako sa likod ko at may kinawayan. “Luigi!”

Lumapit samin si Luigi. “Hi Rm!”

“Andito ka rin? Invited ka rin ni Virg?” Rm asked.

Ngumiti si Luigi. “Yep!”

“Ate!” napalingon kami sa sumigaw. Si Roselle.

 

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon