Kaya ko syang i-date
“FRIEND, kamusta na kayo ni Paul?” Tanong ko kay Rm habang kumakain kami ng lunch sa canteen. Naikwento na kasi nya ang pag-aaway nila. Dahil pala yun sa pagyayaya ko kay Rm sa probinsya namin. Aba! Friends naman muna dapat bago ang boyfriend diba? Di ko nga alam kung matutuwa ba ako o ewan dahil magkaaway sila.
First day of school. Mayo palang pero pasukan na namin. Wew! Pag tri sem talaga fast forward masyado.
“Hindi pa din sya tumatawag.” Sagot nya. Himala? Di ata mukhang bothered ang kaibigan ko? Dati konting away lang alalang alala na sya. Ngayon keep calm and calm lang?
“Pero tinatawagan mo?” Tanong ko pa.
“Hindi din.” Walang gatol na sagot nya. Aba aba! Iba na ito! Hiindi nya tinatawagan? Eh kapag nga nag-aaway sila eh kakababa lang ng phone mamamaga na agad ang daliri nya kakatawag kay Paul. I smell something fishy here.
“Nakokonsenya tuloy ako. Dahil na naman sakin kaya kayo nag-away. Parang medyo malala na to ngayon eh. Ilang araw na kayo di nag uusap.” Sabi ko na lang, tigtignan ko lang ang reaksyon nya.
“Ano ka ba, hindi yun dahil sayo, okay? Ma----.”
Naputol yung sasabihin nya ng biglang magring ang cellphone nya.
Itatanong ko pa lang sana kung sino ang caller nya pero mabilis pa sa alas kwatro na sinagot na nya yung tawag. Di nalang ako nagsalita. Baka si Paul?
Hinintay ko na matapos ang usapan nila ng kung sino man yun na parang magkikita ata sila? Base yun sa one way conversation na narinig ko. Baka si Paul? Okay na sila? Ganda ng ngiti nya habang nilalagay ang cellphone nya sa bag eh.
“Naks. Ganda ng ngitian natin dyan ah. Anong meron? Sino yung tumawag?” Asar ko sa kanya. Syempre, kahit naman ayaw ko kay Paul for her. Gusto ko naman na maging masaya sya.
“Si Virg, nagpapasama sa mall.”
Ngumisi ako. Virg huh? Sabi ko na nga ba! May fishy na nagaganap dito. Napansin ko na nag-uusap sila nung birthday ko. At take note. For the first time yun.
“Nag papasama? Baka nag aaya ng date?” Mapang-asar na tanong ko. Sa totoo lang, kahit hindi sabihin sakin ni Virg, alam na alam ko na gusto nya si Rm. Duma-the moves na sya ngayon ha. Mabuti naman. Pero di pa break sila Rm at Paul eh. Hmm. Hayaan mo na nga, para magbreak na dapat isingit na si Virg sa eksena. (Evil bestfriend)
“Gaga. May bibilan sya ng regalo. Eh babae daw. Papatulong mamili ng gift.”
“Ppfft. Sabi lang nya yun. Ang slow mo din minsan eh no?” Natatawa ako. Really, Virg? Ganito mo sya yayayain sa first date nyo? Haha! May pakulo pang ganito.
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...