One room
“Hoy!” Sigaw ko sa harap ni Rm. “Umayos ka nga maglakad. Para kang Zombie.”
Narinig ko ang buntong hininga nya. I can’t blame her why she is acting like this. It’s been 1 week since nagbreak sila ni Virg. Hindi sya ganito ka depress nung naghiwalay sila ni Paul. Kaya naman nabo-bother ako.
“Tara bigti?” Bumaling sya sakin.
Kinurot ko sya sa braso. “Gaga! Bigti ka dyan! Di pwede no! Kawawa si Xander kapag namatay ako. Malulungkot yun.” Nakangiting sabi ko.
Malungkot na ngumiti sya sakin..
“Bakit ba kasi ayaw mo pang kausapin yung tao? Kesa ganyan na nahihirapan ka.” Concerned na sabi ko. Nagalit kasi si Rm kay Virg dahil hindi nito sinabi na engaged na pala ito kay Lory. Arrange marriage. You know, business people. Pero kahit ganun, di ko maiwasang hindi intindihin si Virg. I know, may explanation sya. Kailangan lang syang pakinggan ni Rm. Ang kaso, isang linggo ng hindi nagpapakita si Virg sa amin, wala kaming balita sa kanya.
“Di na kailangan. Masaya na yun.” Sagot nya sakin.
“Pano ka nakakasiguro? Nakita mo na ba sya?”
Hindi sya sumagot sakin. Nakita ko naman na makakasalubong namin sila Xander, Roselle, Luigi at Kavs.
“Xander!” Sigaw ko sa kanya.
Kumapit ako sa braso ni Xander magaling na sya. Mabuti naman. Kasi kung hindi pa tutuluyan ko na sya.. “Inaaya ako magbigti ni Rm. Unahin mo na nga sya.”
Natawa lang si Xander. “Puro ka kalokohan. Halika na. Umuwi na tayo.”
“Uwi na agad? Ang aga pa!” reklamo ko. Nagpout pa ako ng lips. Salamat na lang at nasa paligid ang mga kaibigan ko. Medyo panatag ang loob ko. Simula kasi nung narinig ko yung bulong nya. Hindi na ako laging mapakali. Pero hindi ko naman na sya tinanong. Nagpretend na lang ako na wala akong narinig.
“O sige, hindi na muna, date na lang.” Hinawakan ni Xander yung kamay ko. “San mo gusto?”
Lumingon ako kay Rm. hindi naman siguro sya magbibigti ano?
“Oh? Okay lang ako. Sige na, makipagdate ka na. Baka hindi na yan maulit. Sulitin mo na.” pinasigla nya pa yung boses nya.
“Sigurado ka? Wag ka magbibigti ha?”
Tumawa sya. “Gaga. Ang dali mo talaga utuin. Sige na.” humarap sya kay Kavs. “Oy, iuwi mo ng maaga si Roselle ha.”
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...